Chapter 25

9.2K 103 11
                                    

ALTHEA

"Kailangan mong umuwe." Napatingin ako kay Zeke dahil sa sinabi niya , Akala ko ba gusto niya akong makasama pero bakit niya ako pinapauwe?

"Bakit?" Maikli ang sinabi ko dahil naiinis ako , Hindi man lang niya ako tinignan nung sinabi niya ito. Lumapit siya sakin , Lumuhod at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Nanay mo pa rin siya. Siguradong nagalala na ito. Ihahatid na kita." Hinalikan niya ako sa noo , Ang daming nangyari sa amin ng nakaraan at ngayon okay na kami. Alam kong hindi niya ako iiwan.

Umalis na kami sa bahay nito at hawak hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya. "Zeke? Baka mabangga ka. Bitiwan mo muna ang kamay ko." Hindi niya ako pinakinggan bagkus mas lalo niya pa itong hinawakan. 

Nagulat ako ng hinalikan niya ang kamay ko at inilagay nito sa mukha niya. "I will miss you." Natawa ako sa sinabi niya , Magkikita naman kami Bukas dahil may pasok kami. 

"Ano ka ba?! Magkikita tayo bukas. Tawagan mo na lang ako mamaya." Tumango siya at hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.

"I Love You." Ang sabi nito. Lagi na lang siyang Sweet sa akin pagkatapos naming gawin yung.. 

"Bakit namumula ka?" Tanong nito. Naalala ko na naman kasi , Hindi ko akalain na nagawa namin ito pero ramdam ko ang pag-ibig niya sa akin.

"W-Wala." Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang mga sasakyan na lumalampas sa amin , Pero..

"Stella.." 

"Althea? Anong sinabi mo?"

 

"W-wala.. Ingat ka sa pagmamaneho mo." 

Desire the Climax (Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon