KEEP READING! THIS IS A VERY SPECIAL CHAPTER , LAHAT NG KATANUNGAN AT LIHIM AY MABUBUNYAG!
VOTE
COMMENT
ALTHEA
Unti-Unti kong idinilat ang mga mata ko , Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero pinapalibutan ako ng mga Picture ni Zeke at Gray at hindi ko alam kung bakit nandito ako.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at hindi ako makapaniwala sa nakita ko ..
"Stella? Bakit Nandito ka?" Ngumiti lang siya sa akin at hindi ako makatayo dahil sa nakataling lubid sa akin habang nasa upuan ako.
"Well , Gising ka na pala.."
"Ano bang pinagsasabi mo Stella?"
Hindi ako makapaniwala kung bakit nagkakaganito si Stella. Nasaan ang laging palangiti na si Stella , Maamo ang mukha ni Stella pero ang kaharap ko ngayon?
Hindi ko alam dahil walang emosyon ang mukha nito at diretso siyang nakatingin sa akin pati na rin ang boses nito , Biglang nawala ang malambing na boses at pinalitan ng isang malamig at galit..
"Come on Althea! Huwag ka ng magpainosente diyan! Alam ko ang Plano mo kay Zeke! Sasaktan mo lang siya!"
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero kita sa mata niya ang galit at pagkamuhi .. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin.
"Ano?! Althea?! Hindi ka pa ba aamin?! Ha?!"
"Niloko mo lang si Zeke?! Papaniwalain mo siyang mahal mo pero iiwan mo pa rin siya. Anong akala mo sa akin?! Tanga?! Para hindi mahalata iyon?! Narinig ko kayo ni Donella na naguusap!"
"Oo! Inaamin ko na niloko ko si Zeke?! Pero hindi ko gagawin yun! Mahal ko na siya at Mahal niya rin ako! Inaamin ko dati GALIT ako sa kaniya dahil alam kong maghihiganti siya sa akin!" Nagulat ako ng sinampal ako ni Stella.
"Ikaw?! Mahal ni Zeke?! Ako ang Mahal niya! Ako ang nandoon kapag malungkot siya! Ako ang nagpangiti sa kaniya kada nalulungkot siya! Tapos?! Ngayon?! Bigla kang sumulpot sa buhay niya ULIT! Alam ko ang gusto mong mangyari dati?! Sasaktan mo ulit si Zeke! Galit ako sayo! GALIT NA GALIT! Hindi ko alam kung ano ang meron ka na Wala ako!"
BINABASA MO ANG
Desire the Climax (Editing Process)
General FictionAlthea Dizon , 16 years old . To help out her desperately poor family, she takes on a part-time job. Then, one night, a boy snatches a kiss from her and offers her money, saying, "I'll buy you." Who is the boy who stole Althea first kiss...!? Proper...
