Chapter 9

20.5K 159 16
                                        

"KYAAAHHH!!" Binubuhat niya ang mabibigat na gamit na pinapadala ng kaniyang amo na si Zeke. "Althea! Meron pa dito?! Ang bagal mo?!" Ang sabi ng Tagapamahala ng bahay ni Zeke.

"Sandali lang po! *Ang matandang to! Nakakainis na.*"Pabulong na sabi ni Althea .. Bigla siyang linapitan ng Matanda at tinignan ng masama .


"May sinasabi ka?!" Napalunok na lang si Althea dahil Mukhang halimaw ang nasa harapan niya .

"Wala po ." Ito na lang ang nasabi ni Althea dahil sa sobrang takot . "Pagkatapos mo naman diyan , Pumunta ka sa Kwarto ni Master Zeke at gisingin na siya . Ayusin mo ang itsura mo kapag nakaharap ka sa Master." 

Wala na siyang nagawa kundi tumango na lang at baka magalit pa ang matanda kung magrereklamo siya . 

FLASHBACK 

"Sino ka?!" Agad na bungad ng matanda sa kaniya . "Uhmm . Ang sabi po ni Zeke --" Hindi siya pinatapos ng matanda at pinagalitan siya agad. 

"Zeke?! TAWAGIN MO SIYANG MASTER! WALANG GALANG! ITO ANG DAMIT MO?! BILISAN MO!" Hinagis ang damit pangkatulong at nung tinitignan na ito ni Althea ay nagulat siya .

"Ito po?! Ang ikli naman! Wala bang mas hahaba pa dito?!!" Reklamo niya , Tinignan lang siya ang matanda at sinabi . "Utos iyan ni Master Zeke. " Napanganga na lang si Althea dahil kagagawan na naman pala ni Zeke ito.

Wala naman siyang magagawa dahil may utang siya kay Zeke at dapat niya itong pagsilbihan . "Wala na akong magagawa , Nandito na tayo .."

PRESENT .

Natapos na siya sa pag-aayos ng gamit na hindi naman niya alam kung kailangan pa ito sa mansion ni Zeke o Nanadya lang ang matanda sa kaniya .

Hindi niya alam kung saan ang kwarto ni Zeke sa mansion na ito at baka maligaw pa siya . Hindi pa nama  niya natanong sa matanda .

"Nasaan ba ang Kwarto ng Zeke na yun?!" Agad siyang pumasok sa kwarto at "WAAAH! ANG LAKI NAMAN NG LIBRARY DITO! " Nalula siya doon sa library at pagtapak niya ay bigla sumulpot ang matanda.

"Ang sabi ko , Sa kwarto ni Master Zeke! Bilisan mo!" Napatakbo siya  . "Ahh! Hindi ko na naman naitanong!" Napasambunot na siya sa buhok niya dahil sa inis .

Desire the Climax (Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon