"How about your car?" Travis asked in a normal voice.Nasapo ko ang nuo ko sa tanong nya, bakit nga ba hindi ko naisip na kapag nag-commute ako ay maiiwan ko yung sasakyan ko dito?
"Uhm hindi nalang siguro ako sasabay sayo, magpapa-gas nalang ak--"
Napatigil ako at napatingin sa paligid, at napansin kong walang malapit na gas station dito sa lugar nila!
Magsasalita pa lang sana ako ulit nang lumabas si Travis ng sasakyan at pinuntahan yung malapit na guard house.
Lumapit sya dito at ngumiti yung guard sakanya saka tumango.
"Let's go." sabi nya pagkapasok nya ng sasakyan.
"Wait, pano yung sasakyan ko?" naguguluhan kong tanong.
He smiled. "Okay na, pinabantayan ko muna sa guard house."
"Okay."
Pinaandar nya na ang sasakyan at nagsimula na ulit magmaneho.
"Anong name ng street?"
"Pavillion street. Alam mo?" tanong ko sabay baling sakanya na nakatingin sa daan.
He chuckled. "I'm not sure, Alam ko kasi nagbago na yung mga street dito before eh. Magtanong nalang tayo."
Huminto kami at tumigil doon sa naglalakad na lalaki sa daan, saka binuksan yung bintana para tanungin kung saan yun banda.
"Hi! Alam nyo po ba kung saan yung Pavillion Street?"
Ngumiti yung lalaki saka tumango.
"Ah opo! Diretsuhin nyo po yan daan dyan at pagdating nyo po sa kanto kesa po kayo kumanan, malapit po sya sa clubhouse."
"Okay thanks!"
Pagkatapos nun ay isinara ko ang bintana at sinunod na yung way na sinabi nung lalaki sa amin.
Kakatapos lang namin kumanan at maya maya lang ay naaninag ko ang pamilyar na mukha at napagtantong kaibigan iyon ni Dylan na naninigarilyo sa labas.
Kaya pinatigil ko ang sasakyan at lumabas kami ni Travis para lapitan 'yong lalaki.
Aakmang susunod sya sa akin ngunit ipinigilan ko ito.
Tumango sya at bumalik na sa sasakyan, nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makalapit ako sa lalaki.
"Ikaw yung kagrupo ni Dylan diba? Nasa loob ba sya?"
Napatayo yung lalaki at tinapon yung hawak nyang siragilyo at nag-aalinlangan na sumagot.
"A-ah ikaw po pala y-yung girlfriend ni Dylan, k-kanina pa kasi sya u-umalis eh'' sabay kamot nito sa ulo na para bang problemado.
Napakunot ang nuo ko sa narinig. Paanong kanina pa sya umalis e hindi naman sya nagsabi sa akin?
"Huh? Anong oras umalis?"
Napalunok ito na parang kinakabahan saka sya sumagot ulit.
"Mga 8pm a-ata"
Napatingin ako sa phone ko at nakitang 8:20 pa lang! So paano nya nasabing kanina pa kung ganoon?
"Sigurado kaba? Akala ko ba kanina pa? 8:20 pa lang naman..."
Napansin kong naging alerto sya sa aking naging tanong at parang pinagpawisan.
Ako pa talaga lolokohin mong bobo ka.
"Ginagago mo ba ako?" tiim bagang kong tanong.
Nakita ko ang panginginig ng binti nya at halos hindi na makasagot kaya nilagpasan ko sya at agad na pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Swiped
Romance"It's a match!" Sabi nila pag nakahanap ka daw ng boyfriend galing sa isang dating app, hindi daw yan seryoso at lalong di kayo magtatagal. Nag swipe lang sya ng nag swipe hanggang sa may nag match sa kanya, at di nya alam na ganun magiging role ng...