06

41 3 0
                                    

"But why?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin parin sa kanya.

Umayos sya ng upo at lumayo ng konti sa akin. "We just met, ayokong igaya ka sa mga babaeng naikama ko sa unang pagkikita pa lang because you're.... you're different." seryoso nyang tugon.

Napatigil at napangiti ako sa sinabi nya kaya nagsalita sya ulit.

"Why are you smiling? I'm serious Nathalie Heaven." he smirked.

Napatawa ako dahil sa sinabi nya. "Okay, pero kailan kung ganoon?" balik ko ulit sa topic.

Sinamaan nya ako ng tingin dahil na rin siguro sa iritasyon sa mga tanong ko.

"Tss, stop asking me that kind of question Heaven. You're making it hard for me to stop myself.... so stop it."

Ngumisi ako at lalo syang inasar. "Ayaw mo ba?" malambing na sabi ko.

His face darkened. "Of course I want it! Please..."

Humalakhak ako. "Bakit ba kasi?"

He took a deep breath. "I said stop! You're making me.... horny."

Napatigil ako sa huli nyang sinabi at namula ang pisngi ko kaya agad akong umayos ng upo at tumingin sa bintana, na unti unti ng tumitila yung ulan.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan at napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa unahan ng sasakyan.

"Uuwi na ba tayo?" seryosong tanong ko.

He looked at me. "Gusto mo na ba umuwi?

"Actually ayoko pa eh, baka kasi maging busy na ulit ako sa school at hindi na ako makaalis ulit." I shrugged.

Binuksan nya ang bintana at inilabas yung isang kamay na para bang tinitignan nya kung umuulan pa.

"Tumila na yung ulan, do you wanna go somewhere? Or kumain muna tayo?" he asked.

"Pwede naman, kaso parang inaantok na ako eh"

"Oh you should rest, let's go." sabi nya at agad na lumabas ng sasakyan, kaya lumabas rin ako.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Diba pagod kana? Mag check in muna tayo dito sa Taal vista hotel, then bukas nalang kita ihahatid sainyo." he smiled.

I just nodded.

Nagtungo kami sa frontdesk para kumuha na ng room, sasabihin sana nyang dalawa 'yong kukunin nya pero pinigilan ko sya at sinabing okay na ako kahit isa nalang, kaya umoo nalang sya.

Wala rin naman kasing problema kahit nasa iisang room lang kami eh. And isa pa naghalikan na kaya kami noh! Pati matutulog lang naman kami so okay lang.

Pagkapasok ko ay agad akong nahiga sa kama, dahil na rin sa pagod at medyo inaantok na rin ako.

Pumasok din si Dylan at inilapag yung gamit nya sa sofa malapit sa kama.

"Ano gusto mong kainin? Bibili ako food." he suddenly asked.

"Kahit ano, pwede na yun."

"Hmm specific?" he asked again.

I smiled. "Chicken nalang siguro."

Napangiti sya. "Okay, matulog ka muna."

Pagkalabas nya ng pinto, saktong tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot nang makitang si Veron ito.

Ako: [Hello, bakit?]

Veron: [Anong bakit? Hoy Nathalie Heaven anong oras ka uuwi?]

I bit my lower lip.

SwipedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon