01

95 3 0
                                    

Installing.....

"Bwiset na data to ang bagal tuloy mag download ng app." inis kong sinabi habang hinihintay na matapos ma-install ang isang dating app na dinownload ko.

Oo tama ka, data lang gamit ko kase di naman ako ganun kayaman na may pang postpaid, yung wifi naman namin nagloloko.

"Oh chill ka lang, ano ba kase yang ginagawa mo?" Rinig ko na may nagsalita di kalayuan sa'kin.

"Nag download ako ng dating app, baka sakaling makahanap na ng jowa! Jowang jowa na kase ako!" Taas noo kong sinabi habang nakatingin sa kaniya.

"Bakit? Kating kati na ba yang vagina mo at talagang desperada ka nang maghanap?" Pang aasar ni Veron sa akin.

"Gaga! Hindi ba pwedeng gusto ko lang maranasan magkajowa? Ayoko naman maging forever alone noh!" Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Okay sige, pero dapat alam mo na yung mga consequences sa mga ganyan kasi dating app yan at bihira ka makahanap ng mga seryoso diyan." sabat nya ulit.

"Yes, alam ko naman yun. Hindi naman ako magpapakatanga para lang dito diba? You know me so well." pagpapaintindi ko ulit sakaniya kasi mukhang hindi talaga ako tatantanan nitong bruha na to eh.

"Okay fine, mauna na muna ako may pupuntahan lang akong urgent and then babalik din ako later kaya ikaw muna bahala magluto ng dinner natin." sabay tayo at agad syang lumabas ng pintuan.

Kita mo tong babae na to, pagkatapos akong diktahan bigla nalang akong iiwan dito!

Napatigil ako nang marinig ang phone ko, kaya agad akong napatingin dito.

Successfully installed!

Finally natapos din to madownload, mahigit isang oras ata to.

Agad-agad ko itong binuksan at pinili ang "connect to facebook."

Syempre kailangan kong pumili nang maayos na pic para sa profile ko dun para more chance of matches.

Nang matapos ko ilagay ang pic ko ay nagtungo agad ako dun sa hive kung saan ka magsa-swipe right or left. Nakasulat dun na kapag ayaw mo sakanya ay pipindutin mo lang yung swipe left. At kapag naman gusto mo sya isa-swipe right mo lang.

Mukhang madali lang naman pala itong gamitin kaya agad ko itong inumpisahan.

Todo swipe right lang ako kasi lahat naman sila okay lang for me e, and syempre bago din ako mag swipe right chinecheck ko muna yung mga bio nila kasi baka may mga nakalagay na dtf , fwb , momol , etc.  So syempre pag may ganun iwas na agad tayo.

Habang nagsa-swipe ako, bigla akong naptigil dahil may natiyempuhan akong malapit lang dito and masasabi kong boyfriend material ang ayos nya.

It's a match!

Hala nagmatch kami! Hindi ko alam if ako ba unang magchachat o sya, nakakahiya naman kasi magchat e huhu.

Nagulat nalang ako nang tumunog ang phone ko at may natanggap akong message.

Dylan: Heya wyd

Omg! ano sasabihin ko? Dapat ko bang tagalan magchat para hindi nya isipin na hinihintay ko talaga message niya? Kaso baka isipin niya na snob ako kapag ganun. Hay bahala na nga!

Me: Not much. Nasa bed lang haha hbu?

Dylan: Can i lay down with you?

Naku po, ganto yung mga galawan ng mga fboy e tsk. Sana naman wag kang magpa-fall diba? Alam ko namang puro panandalian lang mga gusto nyo e.

Ang alam ko kasi kapag dating app, bihira talaga yung mga seryoso. Kaso sabi naman nung iba marami parin naman daw dito kung kikilatisin mo lang ng mabuti.

SwipedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon