"Si Dylan?"Tanong ko kay Veron sa sala, kakagising ko lang kaya lumabas ako ng kwarto para hanapin siya.
Sandaling sumulyap sa akin si Veron at agad ding bumalik ang tingin sa pinapanood.
"Umalis, kanina pa."
Nasapo ko ang nuo ko nang maalala na ngayon pala ang first rehearsal nila, at hindi ako nakasama!
"Ano oras umalis?"
"Mga 8am ata."
"Hindi ako nakasama! Ginising nyo ba ako?"
Bumaling na sya sa akin ngayon. "Oo, pero ayaw mo talaga magising kaya sabi nya sa akin na hindi kana lang daw nya isasama. Hayaan nalang daw kita matulog dito."
Pagkasabi nya nun ay agad akong bumalik sa kwarto para kunin yung phone ko at i-text si Dylan.
Me: Hi! Sorry hindi na kita nasamahan kanina 😞 sunod ba ako?
Hindi sya nagreply agad so i expect na busy talaga sya ngayon dun.
Nagsco-scroll lang ako sa social media ko nang mag-reply sya, after 30 minutes i guess.
Dylan: Hindi na. Ako naka-assign na magturo ngayon kaya magiging busy ako, hindi rin kita maaasikaso.
Me: Are you sure? Okay lang naman eh.
Dylan: Yes, i'll call you later after this!
Hindi na ako nag-type ng message at binasa nalang yung huli nyang text sa akin. Paniguradong busy nga talaga sya kaya hindi ko muna sya ite-text at hihintayin ko nalang yung call nya later.
Lumabas ulit ako ng kwarto at nagpuntang kusina para kumain.
"Ano food?"
"Salad lang kinain ko eh. Nasa table." nakakibit balikat na tugon ni Veron.
Binuksan ko yung lagayan sa table at kumuha ng salad doon.
"Magpa-practice ulit ako magluto mamaya." sabi ko habang kumakain ng salad.
"For what? Galing mo na nga eh."
"Mag-aapply ako ng work sa restaurant tom."
Napatingin sya sa akin. "Oh saan?"
"Near lang dito sa condo para hindi hassle. Kahit kasi may car naman, ayoko parin mag-work sa malayo if ever."
"May point ka. Parang bet ko na rin tuloy na mag-work malapit dito."
"Saan mo ba balak?"
"Consulting company nalang siguro. Si Dylan ba? Diba gusto nya maging cabin crew? Kailan start ng work nya?"
I shook my head. "Hmm hindi ko pa naitatanong ko eh, busy rin kasi sya sa rehearsal nila so hindi pa namin napapag-usapan din. Mamaya nalang siguro kapag tapos na sya."
"Inspired siguro yun sa pagsasayaw, nakaisa ulit kagabi eh." natatawang sabi ni Veron.
"Huh? Nakaisa?" maang maangan ko.
"Lul! Kunwari hindi alam ah." tumawa sya ulit.
Humalakhak ako. "Oo na."
"Sana all may dilig!"
Humalakhak ulit ako. "Padilig ka dun kay Harry."
"Gagu!"
"Ay wala ba kayong something nun?"
"Wala, gaga ka! Yung taga feu lang meron."
"Ay akala ko parehas sila eh." pangangasar ko.
"Hindi noh!"
BINABASA MO ANG
Swiped
Romance"It's a match!" Sabi nila pag nakahanap ka daw ng boyfriend galing sa isang dating app, hindi daw yan seryoso at lalong di kayo magtatagal. Nag swipe lang sya ng nag swipe hanggang sa may nag match sa kanya, at di nya alam na ganun magiging role ng...