07

31 3 0
                                    



Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata nang maramdaman ko na may kumakalabit sa akin.

Pagkabukas ng aking mga mata, bumungad sa akin ang nakangiting lalaki sa aking harapan.

"Hey, wake up." tugon ni Dylan habang nakangiti parin sa akin.

Kinusot ko ang aking mga mata at tinanggal ang kumot sa aking katawan para bumangon.

"What time is it?" tanong ko sa kaniya habang humihikab pa.

Ngumisi sya. "8am na."

Inaayos ko ang gulo gulo kong buhok at bumaling sa kaniya.

"Huh? Diba 9am checkout natin dito?" naguguluhang tanong ko.

Ngumisi ulit sya. "Oo nga, hindi na kita ginising kanina kasi sobrang sarap ng tulog mo eh. Nakanganga ka pa nga."

Sinamaan ko sya ng tingin. "Kapal ah! Dapat ginising mo parin ako, edi wala na akong time para maligo nyan?"

Tumawa sya. "It's okay, wala naman akong pake kung anong ayos mo. Ako lang din naman kasi makakakita nyan dahil nasa loob lang tayo ng sasakyan hanggang sa condo mo."

Inirapan ko sya. "Kahit na! Hindi pa naman ako sanay ng umaalis na hindi ligo." problemado kong sabi.

Tumawa sya ulit. "Eh ang sarap nga kasi ng tulog mo...siguro...napaginipan mo ako noh? Pabor naman sakin 'yon."

I rolled my eyes at him. "Hmp feeling mo naman!"

Tinawanan nya ulit ako. "Okay next time gigisingin na talaga kita."

Inirapan ko sya ulit kaya tumawa lang sya at hinawakan 'yong isang kamay ko.

"Sinong nagsabi sayong pwede mo hawakan kamay ko huh?" pinandilatan ko sya ng mata.

Ngumisi sya at mas lalong inilapit yung mukha sa akin. "Bakit, bawal ba?"

"Bawal." tugon ko at tumitig din sa kaniya.

Ngumisi sya. "Ah so kiss lang pala pwede? Bawal holding hands? Okay, imbes na hawakan iyong kamay mo, hahalikan nalang kita."

Pinalo ko sya. "Subukan mo lang."

"Try me." seryoso nyang sabi at kumindat.

Tinawanan ko lang sya.

Tumayo sya at hinigpitan ang hawak sa akin. "Let's eat!"

Nagpapigil ako at sinabing susunod nalang sa baba para kumain, dahil maghihilamos lang ako at magtu-toothbrush bago bumaba. Alangan namang hindi ko pa 'yon gawin diba? Hindi na nga ako naligo eh!

"Okay. Hintayin kita bago ako kumain." sabi nya at tuluyan ng binitawan yung kamay ko para umalis.

Nang matapos na ako makapag-ayos kahit papaano ng sarili ay agad akong nagtungo sa baba para kumain sa restaurant dito sa hotel.

Pagbaba ko ay agad kong nakita si Dylan na nakaupo at seryosong nakatingin sa lamesa.

Lumapit ako at umupo sa harap nya at ngumiti sa akin. "Ito yung pina-reserve ko na breakfast natin para ngayon, hindi na kita natanong kung ano 'yong gusto mo. Sorry..."

Nginitian ko sya at hinawakan na yung tinidor para matusok ko 'yong bacon.

"Okay lang ano kaba! So...let's eat?" sabi ko at tinuro na 'yong pagkain para yayain na syang umpisahan to, na agad naman nyang sinang-ayunan.

Nang matapos kaming mag-breakfast ay agad kaming bunalik ulit sa hotel para kunin na 'yong mga gamit namin at mai-check kung may naiwan pa ba or wala na.

SwipedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon