I still can't believe na nagkita nanaman kami ngayon, at sa pangalawang pagkakataon magiging savior ko nanaman siya.
Lumapit sya sa sasakyan ko at naupo para lapitan yung gulong ko.
"Do you have any tools?" seryoso nyang tugon na nakatitig lang sa gulong ko na parang chine-check ito.
"Yes."at nagmadali akong pumunta sa likod ng sasakyan para kunin sana yung tools, kaso hindi ko ata naidala kaya agad ko itong sinarado at lumapit kay Travis na abala parin sa gulong ko.
"Uhm hindi ko ata naidala..." i licked my lower lip.
"I have, kindly get it nalang sa likod ng sasakyan." seryoso parin na tugon nya at nasa gulong parin ang tingin.
"O-okay." agad akong nagpunta sa likod ng sasakyan nya para kunin iyon, kaso hindi ko naman mahanap.
Ang dami rin kasing gamit sa loob eh, kaya mahirap talaga hanapin!
"Uh where is that exactly? I can't find it though." Habang hinahanap ko parin ito.
Babaling sana ako sakanya para lapitan sya nang pagtalikod ko ay nandun sya, yung isang kamay nya ay nasa taas na nakahawak sa pinto ng sasakyan. Nakatungo sya at sobrang lapit ang katawan nya sa akin, siguro kung hindi ko sya napansin kaagad ay panigurado na mahahalikan ko na sya!
Nakaawang ang labi ko at seryoso naman ang tingin nya sa akin.
"Let me check" he said coldly
"S-sige" nauutal kong sabi dahil hindi parin ako maka move-on sa nangyari! Myghod Heaven!
Umusog ako para bigyan sya ng espasyo doon.
Kinuha nya ang tools at nagsalita sya. "Just wait inside my car" sabi nya at umalis na doon para lumapit sa gulong ko.
Agad akong pumasok sa sasakyan nya at naupo sa front seat.
Napatingin ako sa paligid at napansing malinis ito at ni walang bahid ng alikabok! Grabe sobrang linis naman nya, nakaka turn on!
Pinagmamasdan ko pa iyong mga iba nyang gamit sa loob ng bigla syang nagsalita kaya napatalon ako sa gulat.
"It's done" sabi nya habang pinapagpag ang kamay.
Kaya agad akong lumabas para lapitan sya at magpasalamat.
"Thank you so much! I promise that I will make it up to you!" Nakangiti kong sabi sakanya.
He nodded. "No worries, so saan pala ang way mo?"
Nang marinig nya ang sagot ko kung saan ang punta ko ay agad syang nagsalita.
"Oh dyan din ang way ko, dapat sinabi mo kanina" nanghihinayang nyang tugon.
I shook my head. "It's okay, masyado ng nakakahiya for you... kaya ayos lang promise"
He licked his lower lip and nodded. "Take care!"
I smiled. "You too!"
Pumasok ako at nakahinga ako ng malalim dahil hindi ako na-late, buti nalang!
May discussion lang about sa mga dish na nakaka-attract sa mga taong kakain. And need namin gumawa ng sarili namin para sa finals, I really enjoy cooking, baking and i'm happy na culinary ang napili kong course, so I don't have any regrets about this!
Pinarada ko ang sasakyan sa labas ng condo at pumasok na sa loob.
Naabutan ko si Veron na nasa couch habang nanonood ng series sa netflix, at kumakain ng pizza.
"Maganda yan! Tapos ko na pati yung last na season 3!" masaya kong sabi sa kaniya.
Nakatingin parin sya sa tv at may hawak na pizza sa kamay nang magsalita sya. "Okay naman, kaso parang hindi ko bet. Puro mga bata yung bida eh" nakanguso nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Swiped
Romance"It's a match!" Sabi nila pag nakahanap ka daw ng boyfriend galing sa isang dating app, hindi daw yan seryoso at lalong di kayo magtatagal. Nag swipe lang sya ng nag swipe hanggang sa may nag match sa kanya, at di nya alam na ganun magiging role ng...