09

21 3 0
                                    

Warning: R18

"Uhm baka naman you're just...infatuated?" sabi ko at parang naguguluhan parin.

I didn't really expect this though. Yes, napapansin ko naman na parang may something siya sa akin...pero hindi ko naman ineexpect na seryoso talaga sya! So i guess people really change huh?

Umiling sya at nagseryoso ang mukha. "Alam ko na mahirap paniwalaan dahil na rin sa mga nagawa ko dati. But i assure you that this is what i really feel...and this is my true feelings. Believe me please..." may bakas ng sinseridad ang kanyang boses.

I bit my lower lip and tumango tango ako.

Magsasalita pa lang sana ako ngunit naunahan nya na ako.

He smiled. "Okay lang kahit hindi ka sumagot ngayon. I'll wait until you're ready at kapag napag-isipan mo na ng maayos...so pumasok kana sa loob para makapag-pahinga kana okay?"

Ngumuso ako at ngumisi. "Sus, what if hindi pala kita sasagutin kasi wala naman akong nararamdaman sayo?" pabiro kong sabi.

Ngumisi sya. "I'll accept it wholeheartedly, pero hindi ako naniniwalang gagawin mo yun."

Tinawanan ko sya. "Talaga lang ah, taas ng confidence mo!"

Tumawa rin sya at nagsalita. "Oo naman. I've seen it that night."

Tumigil ako sa pagtawa at kumunot ang nuo dahil sa huling sinabi nya.

"Huh? Ano yun?" kuryoso kong tanong.

He smirked. Lumapit sya lalo hanggang sa tainga ko, saka sya may bumulong na nagpakiliti at nagpatindig ng balahibo ko.

"The way how your body reacted to my touch, i've felt that you want me too as much as i do...."

Pagkasabi nya nun ay agad ko syang tinampal sa balikat. "Alam mo ang bastos mo! Nasa private place kaya tayo noh?"

Tumawa sya at bumulong ulit. "Oh so gusto mo ba sa private nalang natin 'to pag-usapan? Or mas better gawin din. What do you think?"

Tinulak ko na sya kaya tawa na sya ng tawa ngayon. "Tss utak playboy talaga! Bahala kana nga dyan!" sabi ko at tuluyan na ngang umalis.

Nagsasalita sya habang naglalakad ako paalis dun pero hindi ko na pinapakinggan.

Yes! Totoo 'tong nangyari at yung mga sinabi nya, this is not a dream.

Pumasok ako sa condo at agad naupo sa tabi ni Veron para sabihin yung nangyari kanina.

"Mamsh nanliligaw na sya!" i bit my lower lip.

Nakakunot ang nuo nya. "Sino naman?"

Inirapan ko sya. "Wow parang ang dami kong lalaki ah! Syempre si Dylan!"

Ang kaninang nakakunot na nuo ay napalitan ng nakaawang na labi at gulat na mga mata. "Buti naman at gumalaw na yung bata ko! So kayo na?"

Umiling ako. "Not yet..."

Kinunotan nya ulit ako ng nuo dahil sa sagot ko. "Bakit hindi pa? Gusto mo rin naman sya diba?"

Kinagat ko ang labi ko at unti-unting tumango. "Uhm oo."

Inirapan nya ako. "Ayun naman pala eh! Bakit hindi mo pa sinasagot?"

"Kanina lang nya ako niligawan, hindi ba parang ang bilis naman ata?"

Huminga sya ng malalim na para bang naiirita na sa mga sagot ko sa kaniya.

"Tanga! Hindi na dapat pinapatagal yung mga ganyang bagay. Kung gusto mo rin naman sya edi sagutin mo na agad! Hindi naman kasi masyadong mahalaga yung panliligaw, mas mahalaga parin iyong nagtatagal na relationship! Unless nagda-doubt ka sakanya?"

SwipedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon