Nagsasalita si Veron sa aking tabi ngunit hindi ko naman naiintindihan ang mga sinasabi nya, siguro'y lutang parin ako dahil nga nadala ko ang phone ng hindi sa akin!
"Btw, kaninong number pala yung pinantawag mo sa akin kanina?" seryoso nyang tanong.
Ayun nga ang problema eh, nanghiram na nga lang ako pero hindi ko naman naibalik!
Kasalanan din naman nya ah, hindi nya rin ako pinigilan nung lumabas ako ng elevator!
Pero bakit ko naman sya sisisihin? Ako na nga itong pinahiram kahit hindi kami magkakilala eh.
Hays ewan, basta bahala nalang bukas. Susubukan ko nalang siguro syang hanapin dito sa unit, sana lang talaga na dito sya nakatira. Dahil kung hindi ay patay na ako nito at hindi ko na maibabalik kailanman!
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sakanya, at napansin kong hinihintay nya ang sagot ko kaya sumagot agad ako.
"Ang totoo kasi nyan.... hiniram ko lang itong phone para makitawag sana sayo... kaso hindi ko naman alam na madadala ko pala hanggang dito!" Problemado kong sabi kay Veron.
"Huh? Kanino ba iyan, at bakit ka kasi nanghihiram sa mga hindi mo kakilala? Panigurado pinapahanap kana nun dahil nasa iyo yung phone nya!" sermon na sabi ni Veron.
"Hindi ko naman sinasadya eh, hindi ko lang talaga namalayan na nadala ko na pala yung phone nya kakamadali palabas ng elevator." medyo naluluha ko ng sabi.
"Hmm saan ba kayo nagkita kanina?"
"Sa elevator lang, sya yung huling pumasok." sagot ko agad.
"Anong floor nya at anong unit?"
Ano nga bang floor yun? Shit! Hindi ko napansin huhu.
"Parang... hindi ko napansin eh, and yung unit nya syempre hindi ko alam noh!" Medyo iritable kong tugon sa kanya.
"Ano ba yan! Nandun ka pero hindi mo manlang napansin. Siguro sa kaniya ka lang nakatitig buong minuto sa elevator noh?" Pangangasar nya sa akin.
"Gaga kaba talaga? Porket hindi ko napansin ganun na agad? Hindi ba pwedeng wala lang akong pake sakanya kaya hindi ko rin tinignan kung saang floor sya?" sabay irap ko sakanya.
"Whatever, so ano na plans mo now about dyan?" seryoso na ang boses nya.
"Hmm i will try to ask nalang sa guard or dun sa frontdesk if dito ba nakatira yun, or kung familiar ba sa kanila yung face nya kaya ide-describe ko nalang siguro sa kanila. Sana nga lang talaga na taga dito yun or may nakakakilala sa kaniya dito, kaso mukhang bisita lang sya dito eh, ngayon ko lang din kasi sya nakita dito sa condo."
"Okay, but what if walang nakakakilala sa kanya dito, pano na yan?" tugon nya ulit.
"Tss meron yan syempre, alangan namang magpapasok sila dito ng mga hindi kilalang tao diba?" sarkastiko kong sabi.
"Okay fine, pero pwede bang ikaw na muna mag-wash ng mga plates? Kanina pa kasi talaga ako inaantok eh huhu." sabay hikab at unat nya ng katawan.
"Okay." seryoso kong sabi.
"Ayun! Thank you bruha, goodnight!" pagkasabi nya nun ay agad syang nagtungo sa room nya.
Kailangan ko na din pa lang matulog ng maaga kasi syempre hahanapin ko pa bukas yung lalaki na yun para maibalik na agad yung pbone nya.
Kasi naman eh, kung hindi lang ako tatanga-tanga hindi ko madadala yung phone nya!
Ano kayang sasabihin ko kung sakali na mahanap ko na sya? Nakakahiya talaga!
BINABASA MO ANG
Swiped
Romance"It's a match!" Sabi nila pag nakahanap ka daw ng boyfriend galing sa isang dating app, hindi daw yan seryoso at lalong di kayo magtatagal. Nag swipe lang sya ng nag swipe hanggang sa may nag match sa kanya, at di nya alam na ganun magiging role ng...