"Hindi na kita tatanungin kung anong nangyari kahapon." basag ni Veron sa katahimikan habang kumakain kami sa lamesa.
Ngumisi ako sakanya.
"Halata naman na kasi base sa kilos at galaw mo kanina pa eh." sabi nya ulit.
Ngumisi ulit ako habang hawak ang tinidor. "Sobrang obvious ba talaga?"
Tumawa sya. "Goodluck sa lovelife!"
Napatigil kami nang biglang may nag-doorbell, kaya agad akong lumapit dito at binuksan iyon.
Bumungad dito si Dylan na malapad ang ngiti at may dalang shawarma at milktea sa kamay. Kahit medyo pawis sya ay gwapo parin!
Lumapit sa amin si Veron kaya agad ko syang ipinakilala kay Dylan.
"Ngayon alam ko na kung bakit kanina pa nakangiti 'tong bestfriend ko." nakakalokong sabi ni Veron kaya pinandilatan ko sya ng mata.
Napag-usapan kasi namin ni Dylan na pupunta sya dito after nya sa studio, gusto rin daw kasi syang makita at tumambay dito sa unit ko. So syempre pumayag ako, wala rin namang problema sa akin yun.
"Oh saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ko kay Veron dahil kumuha sya ng bag at aakmang lalabas ng unit.
"Aalis muna ako, alangan namang maging third party ako dito diba?" natatawang sagot nya.
Tinawanan ko sya at nagulat naman si Dylan. "Sure ka? Sige ikaw bahala."
She nodded. "Of course! May idadaan lang din ako sa bahay eh. So enjoy and have fun!"
Tumawa kami ni Dylan sa kanya. "Ingat bruha!"
Nakalabas na sya at isasarado na sana nya ang pinto pero nagsalita sya ulit.
"Oh btw, you can do whatever you want!" bumaling sya kay Dylan. "Don't worry, pwede magkalat dito." nakakaloko nyang tugon.
Tinawanan lang namin sya at tuluyan na nga syang nakalayo ng pinto.
"Kamusta rehearsal?" tanong ko habang nilalabas nya yung food sa plastic.
Bumaling sya sa 'kin. "Ayos na, last practice na namin next week kasi malapit na yung event."
Ngumiti ako sakanya. "Panoorin ulit kita sa last rehearse nyo?
Ngumuso sya at ngumiti. "Oo naman. Kung gusto mo."
"I'll be there!" masaya kong tugon.
Inabot nya sa 'kin yung oreo cheesecake na milktea ko at napakunot ang nuo ko sa nakasulat doon kaya napabaling ako sa kanya.
"My baby?"
"Hmm baby?" malapad na ngiti nya.
Inirapan ko sya. "I mean, bakit nakalagay dito is "my baby?" naguguluhan kong tanong.
Iyon kasi ang nakasulat sa milktea ko kaya naguluhan ako.
Ngumiti ulit sya. "Simple lang. Because you're my baby..."
Pinanliitan ko sya ng mata at ngumuso ako. "Baby huh? Where did you get that?"
Tumawa sya. "Gusto ko lang, ayaw mo ba?"
Ngumisi ako. "Hmm pwede naman....kaso parang ang corny pag may endearment eh."
Sumimangot ang mukha nya kaya tumawa ako. "I'm just kidding! It's fine."
Nawala ang nakasimangot nyang mukha at napalitan ito ng malapad na ngiti. "Alam mo ba na ikaw lang ang unang babae na binigyan ko ng endearment, and it's not corny when it comes to you...."
BINABASA MO ANG
Swiped
Romance"It's a match!" Sabi nila pag nakahanap ka daw ng boyfriend galing sa isang dating app, hindi daw yan seryoso at lalong di kayo magtatagal. Nag swipe lang sya ng nag swipe hanggang sa may nag match sa kanya, at di nya alam na ganun magiging role ng...