14

30 2 0
                                    



Lumabas ako ng office ng restaurant na may malaking ngiti sa labi. Hindi parin ako nakapaniwala na natapos na yung interview ko at natanggap ako!

Sabi nga nila na walang imposible kung pagbubutihin mo lang at maglalakas ka ng loob at magtitiwala ka sa sarili mo na magagawa mo yung isang bagay.

Kinuha ko ang phone ko sa bag para sabihan si Dylan na natanggap ako sa work.

Naka-ilang ring na yun pero walang sumasagot kaya i decided na later ko nalang siguro sya tawagan. Dahil mas better nga naman if sa prersonal ko sasabihin, para surprise!

Nang makauwi sa condo ay dahan dahan akong naglakad papasok ng unit na parang nanlulumo.

Lumapit sakin si Veron na nag-aalala yung mukha.

"What happened? Hindi ka tanggap?"

Hindi ako nagsalita at nakatitig lang sa baba na malungkot parin ang mukha.

"Ano nga?"

Unti unti kong itinaas ang ulo ko at biglang napangisi.

"Tanggap ako!" sigaw ko kay Veron na ngayon ay nagulat at napangiti din

"Sabi na eh! Congrats! Nasabi mo na kay Dylan?"

I took a deep breath and smiled. "Not yet."

"Bakit naman? Sabihin mo na!"

"I tried to call him earlier...pero hindi nya sinasagot kaya mamaya ko nalang siguro sya sasabihan. At isa pa, baka rin kasi sobrang busy na talaga nya ngayon dahil last rehearsal na nila. Tapos bukas pa start ng work nya sa Cebu Pacific."

Tumango tango sya. "At dahil hindi pa alam ni Dylan about dito. Tayo muna ang mag-celebrate!"

"Saan naman?"

"May bukas na resto bar malapit lang dito sa condo. Lezgo!

"Ngayon na?"

"Syempre! Make up lang ako."

Pagkatapos namin mag-ayos ay agad na kami nagpunta dun sa sinasabi ni Veron na malapit na bar daw dito.

May bagong bukas pala na resto bar dito? Bakit hindi ko ata nadaanan or napansin?

Tumigil ang sasakyan at napansin kong familiar nga ito sakin, pero bihira ko sya nakikita dahil iba yung way ko lagi.

Pumasok kami at naupo dun sa table.

"Maganda dito ah, kailan ba 'to nagbukas?"

"Kanina lang actually." nakangising sagot ni Veron.

Tumawa ako. "Updated ka talaga sa mga inuman noh?"

Tumawa sya. "Inom daw ulit next week sabi ni Harry."

"Check ko sched ko, gabi uwi ko sa work eh."

Inirapan nya ako. "Nope. Bawal ang hindi pumunta."

"Palibhasa wala ka kasing work kaya hawak mo oras mo eh." natatawa kong sabi.

"Kailan ba first day mo dyan sa restaurant?"

"Monday."

"Okay. Cocktail nalang sa'tin noh? Para ladies drink."

"Go."

Umiinom kami at nagkukwentuhan nang tumunog ang phone ko.

"Dylan?"

"Oo, wait sagutin ko lang sa labas."

Dylan: [Hello baby, sorry hindi ko nasagot yung call mo kanina. Sobrang busy lang talaga kanina sa rehearse tapos parang nara-rush ako dahil bukas na start nung work ko]

SwipedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon