03

53 3 0
                                    

Pumasok ako sa loob gaya ng sabi nya, at agad nya isinarado ang pinto.

Napatingin ako sa paligid at napansing may kalakihan ang unit nya, kumpara sa amin na sakto lang ang laki.

Ang una mong mapapansin pagpasok ay ang kitchen sa left side pagpasok ng pinto, katapat nito ay ang maliit na dine area. Sa gilid naman nito ay ang mini bar na maraming glass wine. May sofa sa harap ng mini bar, sa right side naman ay ang cr. Napansin ko din na meron itong hagdan na may nakasabit na cross-stitch sa wall.

"Have a seat." he said with a smile on his lips.

I nodded. "Alright." sabay upo ko dun sa sofa.

"So bakit dito mo napili ilagay yung kitchen malapit sa door mo?" kuryoso kong tanong.

He smiled. "I love to cook."

Bakit lagi mo ako nginingitian ngayon? Naninibago ako ah!

"I see, so what's your favorite dish?" i asked shyly.

He licked his lower lip. "Hmm pasta."

Napahinto ako at nagulat sa narinig.

"Same!" I said hysterically. "Anong luto sa pasta?"

Inilagay nya ang kamay nya sa kaniyang panga. "Carbonara, since I was a kid ultimate fave ko na talaga yun." then looked at me.

Pati pa naman dito magkaparehas parin kami? Gaya gaya ka ah!

"Masarap naman kasi talaga yun eh." malapad na ngisi ko.

A small smile crept on his lips. "Yeah, fave mo din?"

"Yes." nakangiti kong sagot.

"By the way, until what time ka pwede dito?" nakangiti nya ulit na tugon.

Bakit kaba kasi lagi nakangiti ngayon? Seryoso ka naman kahapon sa elevator ah!

"Hmm 10pm? May class pa ako tom eh." I smiled shyly.

Tumango tango siya sabay sulyap sa kaniyang relong pambisig. "It's already 8:30pm, so paglulutuan mo na ba ako?" mapaglaro nyang sabi.

Bakit naman ganyan ka makatingin? Na-aawkwardan tuloy ako! Sabi ko na nga ba hindi maganda na mas nginingitian mo na ako palagi ngayon. Bakit parang mas gusto ko iyong kagaya nalang kahapon na seryoso yung expression mo para mas comfortable ako?

I laughed. "Okay, so saan ako mag-uumpisa?" tanong ko.

"Sa ref, I think?" mapang-bara nyang sabi kaya inirapan ko sya.

Hindi pa nga tayo close ganyan kana ah, pero sabagay parang masarap nga naman syang maging friend kung sakali. Kaso mukhang malabo ata eh.

Pagkasabi nya nun ay nagtungo agad ako sa ref at binuksan ito.

"Uh travis, I mean sir? Ano bang gusto mong lutuin ko for you?" nahihiya kong tanong.

Ano kaba? Bakit mo sya binanggit sa name nya, eh hindi namam kayo close. Kahit nandito ka ngayon at ipagluluto sya, strangers parin kayo kasi wala pa naman kayong alam sa isa't isa.

Saglit syang napalingon sa akin and a ghost smile crept on his lips. "Anything, i'm okay with that... and yeah, you can call me Travis. Huwag na yung sir because it's too formal for me."

"Okay Travis!" masaya kong sabi.

Ano kayang pwedeng lutuin sa kaniya? Hmm pasta nalang siguro, tutal ayun din naman yung fave nya.

Kinuha ko ang pasta sa ref at inihanda na yung mga ingredients na gagamitin para sa carbonara na lulutuin ko.

Habang hinihintay ko lumambot yung pasta, napasulyap ako sa gawi nya at nakitang naka-de kuwatro ito at seryosong nagbabasa ng magazine.

SwipedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon