Warning: R18
Nang matapos ang graduation ceremony namin ay agad akong lumapit kay Dylan na may hawak na bouquet of flowers at nakangiti sa akin, pagkatapos ay niyakap ko sya.
"Congrats, baby!" masaya nyang bati habang magkayakap parin kami.
Mabuti nalang at hindi nagsabay yung araw ng graduation namin, mas nauna sya kaya may oras sya para puntahan ako dito. Parehas lang kami dahil nung graduation nya, ako naman yung pumunta.
Humiwalay ako sa yakap at nginitian sya ng malapad, saka ko kinuha yung hawak nyang bouquet.
"Thank you, hindi pumunta sila mami kaya medyo hindi ganun kasaya nung una. But you're here naman so masaya na ako kahit papaano...."
Even though hindi sila nakapunta sa graduation ko ngayon, naiintindihan ko naman na sobrang busy nila dun at hectic yung sched nila para umuwi dito sa pinas. At isa pa, ngayon lang naman sila hindi naka-attend so okay lang talaga kahit medyo nalungkot lang ako nung una.
He smiled. "Ngayon na graduate na tayo parehas, i will settle our future. And we will start our new journey together."
I smiled and nodded to him.
Napatigil kami at napatingin kay Veron na tumatakbo palapit sa amin, at sumisigaw sagaw.
"Graduate na ako! Wala ng stress sa school, yoohoo!"
"Uy bruha ang ingay mo! Work is more stressful than studying, akala mo lang." natatawa kong sabi kay Veron nang makalapit sya sa amin.
"Whatever, basta no words can explain what i'm feeling right now! Yung hardworks natin para makatapos, sobrang worth it lahat!" nakangiti nyang sabi.
I smiled too. "Yes! We are officially the batch of 2019-2020."
"Pwesto kayo dun. Picturan ko kayo." sabi ni Dylan na agad naman naming sinunod at pumwesto na.
Nakailang pictures kami at nagpa-request kami kay Dylan na picturan kami ng jump shots habang binabato namin yung toga sa himpapawid.
After namin magpicture ni Veron, kaming dalawa naman ni Dylan yung sumunod.
Yung unang picture namin ay formal lang na nakaakbay sya sa akin habang hawak ko yung flowers na binigay nya, pero yung mga sumunod na shots ay puro wacky na pose na, kaya tawa kami ng tawa dahil sa mga pose namin. Lalo na yung mga pose ni Dylan na parang bata na nanti-trip lang sa camera.
"Dun nalang tayo sa condo nyo mag-celebrate, nagpahanda na ako ng mga food para mamaya"." masayang sabi ni Dylan.
I smiled. "Oo naman, sige."
Naunang umuwi si Veron dahil sya nalang daw mag-aasikaso ng mga pinahanda ni Dylan.
Pipigilan sana namin sya pero hindi na namin nagawa at nagmadali nalang sya umalis.
6pm nang makarating kami sa condo. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mga designs at balloons sa paligid.
Mayroon ding confetti kaya nagkaron din pati yung damit at buhok ko.
Masaya akong napatitig sa paligid nang makita yung mga sinurprise nila for me, pero may mas nagpagulat nag-pasaya pa sa akin bukod dun.
Nakita ko ang parents ko na nakatingin sa akin at sobrang lapad ang ngiti. Joy was evident in their eyes.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon na malaman na pumunta pala sila dito at sinurprise pa ako.
Unti-unting bumagsak ang luha sa aking mga mata, napatingin ako kay Dylan na nakangiti rin sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Swiped
Romance"It's a match!" Sabi nila pag nakahanap ka daw ng boyfriend galing sa isang dating app, hindi daw yan seryoso at lalong di kayo magtatagal. Nag swipe lang sya ng nag swipe hanggang sa may nag match sa kanya, at di nya alam na ganun magiging role ng...