*flashback*
Tinawagan ni Carlos Monticillo ang mag asawang si Vien at Elaine Chua.Inimbitahan niya itong kumain sa kanilang bahay. Mabuti nalang at hindi nasira ang pagkakaibigan nila ni vien dahil sa nangyari sa kanilang mga anak noon. Vien refused his invitation instead doon nalang raw siya kakain sa bahay ng mga ito.Matagal na rin niyang hindi nakita si Vien at kahit papaano namiss niya ang matalik na kaibigan.May mahalagang sasabihin si Carlos kay Vien dahil tungkol ito sa mangyayari sa kasalukuyan.He is afraid of knowing that he is Dying...He is sick.Nagkaroon siya ng Coronary artery disease.Lately niya lang rin nalaman ng minsang atakehin siya sa kalagitnaan ng meeting. Nasa business trip siya ng araw na iyon kaya nilihim niya ang insedenteng iyon.Ipinagbabawal niya na ipagsabi ang nangyari sakanya sa mga empleyado niyang kasama lalo na ang sekretarya niya na Si Mr.Rex Gavildez.
He really now can felt his body getting weak.Natatakot siyang mamatay pero iyon na ang nakatakda sakanya. Gamutin man siya hindi naman siya siguradong gagaling dahil sa condition niya.Hindi niya naman din hawak ang oras at panahon.kinonsulta na rin siya ng doktor na patuloy niya naranasan ang pagsisikip ng dibdib niya ay hindi na siya makakaabot pa ng isang taon.
Ayaw niyang ipaalam kay Kian ang nangyari.Ayaw niyang mag alala ang anak niya.Nang araw na iyon gumawa rin siya ng Will of testament na lahat ng ari-arian niya ay ililipat sa pangalan ng anak na si Kian Migs monticillo sa araw ng pagsapit ng kanyang kamatayan.Nakasaad din sa testemento na makukuha niya ang natitirang 30 % shares of properties sa oras na magkaroon ito ng asawa at anak.
Nang gabing iyon pagkatapos namin kumain ay iniwan muna kami dalawa ni elaine ni vien upang makapag-usap.Hahanapin muna rin ni elaine ang anak na si Pam dahil bigla itong nawala sa likuran nila.
"Ano nga iyong sinasabi mong mahalaga mong sasabihin carlos?"tanong ni vien.Binigyan naman siya ni vien ng red wine at malugod na tinanggap iyon.
"I'm d-ying vien." malungkot na wika ni carlos. Hindi naman makapaniwala si vien sa narinig niya.Bakas sa expression ng kaibigan ang pagkagulat at nalilito.
"But it seems your fine—-"
"Dahil ayokong makita ni kian na ganito ang ama niya na may dinadaramdam."
"Paano nangyari ito carlos?Dapat malaman agad ito ni Kian."nilapag naman ni vien ang hawak na baso sa mesa at akmang sanang aalis upang puntahan si kian para malaman ang condition ng kanyang ama ay agad naman napigilan ito ni carlos.
Umiling si carlos kay vien.
"Wag vien.Wag mong sasabihin kay kian ang tungkol sa condition ko."pagmamakaawa ni carlos kay vien.
Napabuntong hininga naman si vien at muling hinarap ang kaibigan.
"What are your plans now?"
" I want kian and your daughter to get married as soon as i leave kian behind. Masaya akong mamatay pag naikasal siya sa anak mo Vien."
"w-hat are you saying carlos? Hindi pwede ang sinasabi mo.Bakit ang anak ko?"
"dahil alam kong kayang punuin ng pagmamahal ni Pam ang puso ni kian na hindi ko nagawa sa anak ko. Magiging masaya si kian sa anak mo vien at pag namatay man ako ay may ngiti sa labi ko dahil wala akong aalahanin pa." mangiyak iyak na sabi ni carlos sa harapan ni vien.
"Wag ka sanang magalit sa sinabi ko vien pero iyon sana ang ibig kong mangyari bago man kunin ako ng diyos."
Hindi alam ni vien ang sasabihin niya ng sandali iyon.Kahit sinaktan ni kian noon ang anak niya ay boto pa rin naman siya nito maging manugang si Kian pero paano ang anak niya si Pam? Hindi niya alam kung papayag ito o Hindi. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng anak dahil sa desisyong ito na hindi niya alam kung saan hahantong ang lahat.
BINABASA MO ANG
TNPR Book 2: Love will lead us Back
RomanceWhat will you do if both of you will see each other again? Aminadong hindi ka kinalimutan ng taong minsan ka minahal at gayong mahal ka pa rin hanggang ngayon. Do you still want to trust the person who once broke you? O tuluyan na lamang kalimutan a...