Chapter 19.[Complicated]

5.1K 156 19
                                    

Nang masigurado kong wala na si kian sa paningin ko, Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko at diretsong naglakad papalabas sa hospital. Naglakad lang ako ng maglakad,Hindi ko nga alam kung saan ako patungo. Natagpuan ko nalang iyong sarili ko sa isang Open bay at naupo dun, Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumuhos agad ang mga luha ko. Umiiyak ba ako dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari? Maaaring posible. Ako papakasal kay kian? Ni hindi ko nga alam kong matutuwa ako or hindi. Masyado pa kasing complicated ang lahat eh. Sobrang gulo. Yes, I’m giving a second chance for the both of us. Iyon nga kung may feelings pa kami sa isa’t isa at kung meron pang sparks samin dalawa pero bakit yata tumalon iyong expectations sa chance na iyon into marriage? Ano bang benefits na makukuha ko pag naikasal na ako kay kian? At kung hindi naman ako papayag, Paano si tito carlos? Panigurado pag hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari ,Magdaramdam si tito carlos at baka dalhin pa ako ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay tito carlos.Oh diba ang gulo? Hindi ko alam kung saan sa dalawa ang pipiliin ko. Para akong nag eexam eh, Kailangan kong piliin ang correct answer, Kailangan ko mamili if true or false walang maybe lalong walang maybe not. 

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok at muli umiyak. Mukha akong tanga dito. Alam kong maraming mata ang nakatingin sakin ngayon, Who cares? Problemado iyong tao.

--

Terrence POV

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Pam. Iniiwasan niya ba ako? Ilang araw na ako pabalik balik sakanila at lagi sinasabi ng katulong nila na wala siya roon. Si tita Elaine at tito vien lagi ko naman hindi naaabutan sa bahay nila.Gusto ko sana sila tanungin kung may alam sila kung nasaan si Pam. God, Sobrang miss na miss ko na siya.Balak ko pa naman sana siya yayain mamasyal. Well, a date actually pero sadyang minamalas lang siguro ako ngayon.

I wonder kung saan siya pumunta? Well, Hindi naman siguro sila magkasama ng Kian  na iyon? Psh. di hamak na mas gwapo ako dun eh. Walang panama iyon sakin.hehe.

Ilang beses na niyang sinaktan si Pam, kaya hindi ko hahayaan na mapunta si Pam muli sa lalaking iyon. Dobleng pagmamahal pa ang ibibigay ko kay Pam sakaling tanggapin niya iyong pag-ibig ko. Hindi ko siya sasaktan at hindi ko hahayaang umiyak siya sa poder ko at sisiguraduhin kong lagi siyang masaya sa piling ko.

Pupunta nalang siguro ako ulit sa bahay nila at baka magbabakasaling nakauwi na si Pam. Tumingin ako sa relo ko tapos bigla naman may isang batang tumapak sa paa ko, Humingi naman ito ng tawad at sinabi kong ayos lang. Bigla naman ako nakakita ng isang vendor na nagbebenta ng cotton candy. Mukhang masarap kaya lumapit ako at bumili ng isa. Nag enjoy naman ako sa cotton candy ko. Nasa open bay kasi ako ngayon.Alam niyo na,namamasyal mag-isa.

Habang naglalakad,Napansin ko naman na may isang babaeng sinasabunot iyong sarili niyang buhok tapos bigla itong umiyak. Tama ba kasing sabunutan ang sariling buhok?Malamang iiyak ka dahil masakit iyon. Napatingin naman ako sa cotton candy ko.Nakakalahati na ako pero pwede pa naman. Mas kailangan ata ng babae ito ang cotton candy ko. 

Napabuntong hininga naman ako. 

“Paalam cotton candy, sakanya ka muna ,okay?” ewan ko ba.nababading ako sa ginagawa ko pero ayos lang..wala naman sigurong nakarinig na kinakausap ko iyong cotton candy.hehe

Nang nakalapit na ako sa babae ay nagulat ako.Hindi ako maaari magkamali dahil si Pam ang nasa harapan ko.

“P-am?” sabi ko.dahan dahan naman siya tumingala sakin at siyempre nagulat rin siya.Hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako dito. Well, I bet sinuswerte na ako ngayon at hindi na minamalas.Nakita ko na kasi si Pam,siyempre buo na ulit iyong araw ko. 

“T-errence? Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sakin.Umiwas muna siya ng tingin sakin at parang pinupunasan niya iyong luha niya at muli siya tumingin sakin.

TNPR Book 2: Love will lead us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon