Chapter 4.[The Decision:Gonna win her back]

10.5K 232 6
                                    

Nang gigil na pinapalo ni Pam ang manibela ng kanyang kotse. Naiinis siya sa sarili niya. Anong kagagahan ang ginawa niya at hinayaan niya ang sarili niya na mapunta sa bahay ni kian? Anong kagagahan ang ginawa niya para sabihan nito si kian na halikan siya? She was really got wasted last night!

"Hindi ako makapaniwala na kaya ko palang maglasing ng ganon katindi at muntikan na may mangyari samin ni kian! Ano na?! Ano na ang mukhang ihaharap ko sakanya? Hindi naman ako pwede magpakita na affected ako sa nangyari samin dahil baka isipin pa ng hambog na iyon na may pagnanasa parin ako sakanya. He wished! I need to stay calm! Stay Calm? Napraparaning na ako!" gigil na sigaw ni Pam ng mga sandaling iyon habang nagmamaneho.

Itinuon nalang ni Pam ang pagmamaneho dahil baka sa pagiging praning niya hindi na siya makauwi sa kanilang bahay.Sa sobrang pagkabalisa, Agad na ipinarada ni Pam ang kotse sa malawak na solar na iyon. Nang makapasok sa loob ng kanilang bahay ay nadatnan ni Pam ang daddy vien at Mommy elaine niya sa sofa na parang siya talaga ang hinihintay nito na dumating. She felt really nervous.

"D-ad, M-om. Ah, Goodmorning po." Lumapit siya rito saka nagmano.

"Where have you been young lady?" Agad na tanong ni Vien sa anak.

"D-ad. Have you forgotten? Pumunta ako sa bar para makasa---"

"I am asking where have you been dahil hindi ka umuwi kagabi.Inumaga ka na Pam." Nahalata na ni Pam ang tensyon na iyon. Nagagalit ang kanyang daddy.

Alam niyang normal lang na mag-alala ito sakanya.

"Pam, Kanina ka pa namin tinatawagan dahil hindi ka namin ma contact.We're really worried about you." Napahikbi si Elaine ng mga sandaling iyon dulot na rin sa matinding pag aalala sa anak.

"D-ad. Mom. I'm S-orry." Paumanhin niya sa mga magulang.Napayuko siya.

"Saan ka natulog kagabi?" tila nagdududa na tanong ng kanyang daddy vien. Kinabahan nanaman siya. Naalala niya nanaman ang sinabi sakanya ni kian kung ano ang nangyari sakanila kagabi na muntik na mauwi sa isang kaganapan na hindi maaari mangyari.Napatingin siya sa kanyang daddy vien.

"Dad.Nagkasiyahan lang po kami nila Cassy.Alam niyo naman pong namiss ko ang mga iyon." Paliwanag niya.Hindi siya nagpakita ng kung ano mang aksyon na nagsisinungaling siya. Taas noo siyang sinagot ang kanyang daddy. Now you're lying! Such a Badass girl!

"Are you telling the truth? Or are you hiding something from us Pam?"

"Dad naman!"

"Okay—Okay! Mabuti na nga't umakyat kana sa kwarto mo." Sumunod nalang siya sa sinabi nito at dali dali tinakbo papunta sa kanyang kwarto. Natatakot siya sa kanyang daddy Vien. I know it's her fault dahil pinag-alala niya ang mga ito without picking up her phone.Ganoon naman talaga ang mga magulang. Sinisiguro nila ang kaligtasan ng kanilang anak lalo na sa modernong panahon ngayon.

Nang makapasok sa kanyang kwarto ay agad napahiga si Pam sa kanyang kama at tumingala sa puting kisame na iyon. Napahawak siya sa kanyang mga labi. Parang ramdam niya pa ang init na halik na iyon ni kian, But sometimes, you just want to shut the world out and forget all the feelings that is existing, Ang tanong Paano? Paano pa makakalimutan ang pangyayaring iyon? Nakalimutan mo nga siya diba pero bakit? Bakit parang mismo ang panahon ang nagsasabi na hindi mo dapat siya kalimutan at mananatili na isang matamis na alala ang Halik na iyon. Ang matamis na halik na pinagsaluhan nila ni kian. Yes, it is just a kiss pero why you'd feel that way na para bang mahalaga iyon?

"AHHHHHH! Nakakainis! Bwisit talaga! Bakit ba kasi hindi tayo tantanan ng tadhanang ito! I really hate you Kian migs Monticillo! I hate you so much!" inis na sabi ni Pam. Bumangon siya at lumuhod, Kinuha ang unan at iyon ang kanyang ginawang punching bag para mawala ang kanyang inis.

TNPR Book 2: Love will lead us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon