Chapter 1. [She's back]

16.4K 339 13
                                    

After 8 years...

Pam decided to go back in the Philippines after the long years had passed....She is now a grown up woman at the age of 26 years old. Sa walong taon, she never been in a relationship. Maraming nagtangka nanligaw sa kanya sa states pero ni isa hindi niya sinagot ito. What for? For another burden? Tama na nasaktan siya ng ilang beses at ayaw na nito mangyari ang naranasan niya noong sinaktan siya ng taong mahal niya. Kinailangan niya na rin umuwi sa pilipinas dahil it's been already a week na nangungulit ang Daddy Vien at Mommy Elaine niya na umuwi at dito na rin daw siya mag se-settle down once he find a guy that will love and cherish her. Nauna kasing umuwi ang parents niya sa pilipinas 3 years ago. Pam promised herself na sa oras na makayapak ang mga paa niya sa pilipinas hindi na siya muli iiyak at ninuman walang karapatang saktan siya. Bumalik siya sa pilipinas for her own good and of course for her family. She left, moved on, and learn many things after what happened in the past.

Ilang minuto nalang lalapag na ang eroplano na sinasakyan niya. Naka take-off na ang eroplano at hinihintay nalang nito na mag pa-passenger out. Hihintayin niya humupa ang mga tao sa loob ng eroplano bago siya lalabas. Ini-on na rin niya ang cellphone. Sunod sunod siyang nakatanggap ng mga messages and she knew that it was her mom. Isa isa niya iyon ibinasa but all were just flooded messages na kung saan siya and tatawag siya once pag nakarating na siya sa pilipinas.

Kinuha na rin niya ang kanyang dalawang maleta at isang hand carry bag. Hindi niya na rin idinala ang lahat ng kanyang mga gamit at kusang ibinigay niya nalang ang mga iyon sa anak ng katulong nila sa states. Besides, she can buy pieces of clothes.

Habang pababa na siya ng eroplano bitbit ang kanyang mga maleta ay agad nitong inilabas ni Pam ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang Mommy Elaine. Ilang sandali ay sinagot na nito ang kanyang tawag.

"H-ello? anak ikaw ba to?." Tanong nito sa kabilang linya. Tila nahulaan agad nito ang aking boses.

"Hello Mom, Yes! It's me. Andito na po ako sa airport, so sinong susundo sakin dito?" She asked her Mom over the phone.

"The driver is already there waiting for you outside iha. I guess matatandaan niya pa rin ang makulit na bata na lagi niyang sinusundo dati." she knew na habang sinasabi iyon ng kanyang mommy ay nakangiti ito. Napangiti na rin siya.

"I hope manong still remember me."

"We will be waiting here in the mansion iha, Nagpaluto ako ng masasarap na mga pagkain sa mga katulong. We miss you so much. Me and your Dad can't wait to see our Daughter." paglalambing nito. Napangiti siya. Miss na miss niya na rin ang kanyang magulang.

"Can't wait to see you both. I'll be there mom. I'll hang up now."

Nagsimula na siyang maglakad. She walked like a boss and a sophisticated woman. Ibang iba ang aura niya ngayon. Habang naglalakad hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa gawi niya. Napangiti siya. hindi naman sa makapal ang mukha niya pero talagang napakaganda niya. Daig pa niya ang isang model. Nang makalabas sa airport ay agad niya hinanap ang pangalan niya and there she saw her old driver. Medyo tumanda na rin ito. Lumapit siya rito.

"Manong!. It's me, Si Pam." nakangiti niyang sabi. Halos hindi pa maniwala sa umpisa ang kanyang driver at kumunot pa ang noo nito at marahang siyang tinitigan ng matalim. Inalis niya ang kanyang shades at ngumiti rito.

"Manong, Come'on , it's me,Pam. Don't you remember me?"

"Nakuuuuu! Susmaryosep ma'am! Pasensya na po, Hindi ko po kayo agad nakilala. Akina po ang mga maleta niyo. Gumanda ho tayo lalo ma'am ah? Nag asawa na ho ba kayo?" tanong nito sakanya habang isa isa kinuha ang kanyang mga gamit.


"I'll take that as a compliment pero wala po akong asawa." Natatawa niyang saad.

Hindi siya sinagot nito at agad siya nito pinagbuksan ng pinto sa backseat at saka pumasok na rin siya sa kotse. Isa isa nito inilagay ang kanyang mga maleta sa compartment ng kotse at pagkatapos bumiyahe na sila.

TNPR Book 2: Love will lead us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon