Chapter 6.[The Date]

10.9K 194 10
                                    

Maagang nagising si kian kinabukasan. He was excited. Ngayon lang siya muli nakaramdam ng excitement sa buhay after the long 8 years. Nakapag desisyunan niyang sunduin ng pormal sa Mansion ng mga Chua si Pam. Being a real man to a girl is the best feeling ever.Para kay kian, mas kaaya-ayang tingnan pag sinundo mo ang babae at ihahatid mo nanaman ito pauwi sa tahanan ng ligtas.Susulitin niya ang araw na ito na kasama si Pam. Sisiguraduhin niyang masaya ito sa piling niya.Kahit ngayong araw lang.

Matapos niyang ihanda ang sarili ay umalis na rin ng bahay si kian. Pinaalam niya nalang sa katulong na sa oras na magising ang Daddy niya ay sabihin nitong umalis siya and dated the most beautiful girl in the universe. Ganoon na lamang siguro ang pananabik niya dahil nagiging cheesy siyang tao.

Ilang sandali ang lumipas nakarating na rin si kian sa bahay nila Pam. Bumusina siya at automatic na bumukas ang malaking gate sa mansiyon na iyon. Ipinirada niya ang kanyang kotse sa malaking solar.Bumaba si kian at agad siya sinalubong ang isa sa mga katulong nila Pam.

"Magandang araw ho sir...."

"It's Kian Monticillo."

"Magandang araw ho sir kian. Ano pong kailangan nila?"

"Ah. Andiyan ba ngayon si Mr. Vien Chua at Mrs. Elaine? Gusto ko sana makausap."

"Aba oho! Kasalukuyan silang nag aagahan doon sa garden.Teka at ipapaalam kong may bisita sila.Hintayin niyo nalang ako Sir, Babalik ako agad." saka tumalikod na ito at pumasok sa malaking bahay na iyon.

Gaya nga ng sinabi ni Melay ang isa sa mga katulong ng mga chua ay pinuntahan ang mga amo nito at ipinaalam na may bisita sila.

"Sino bang bisita ang sinasabi mo Melay? Ang aga naman yata niyang pumunta rito sa bahay. Is it urgent?" tanong naman ni elaine sa katulong.

"Gwapo ho Ma'am eh. Sa sobrang kakisigan ng lalaking iyon nakalimutan ko tuloy agad ang pangalan niya. talaga naman po kasing ang gwapo eh!" kinikilig na sabi ni melay.

"Ikaw talagang bata ka!" saway ni Vien rito.

"Dalhin mo nalang rito ang sinasabi mong bisita melay.tutal, patapos na rin kaming kumain ng sir mo." tumango naman ito at tumalikod na para puntahan ulit ang bisita ng kanyang mga amo.

Ilang sandali ay nakita na ni Kian ang katulong na palabas na sa main door ng bahay.

"Sir. tuloy po raw kayo at dadalhin ko na kayo roon sa Garden. Naghihintay sila sayo."

"Hay salamat! Akala ko mahihirapan ako. Thanks,Let's go." Sinundan nalang ni kian ang katulong.Kinakabahan man sa muli nilang paghaharap ay pilit iniiwaksi ni kian iyon.He will do everything para bumalik ang tiwala sakanya ng mag-asawa.

Ilang sandali nasa Garden na sila at ng mauligan ang kanyang presensiya ay lumingon ito sa gawi niya.Nakita pa niyang nagkatinginan ang mag-asawa.kian make sure to keep a distance.Tumayo naman si Vien at Elaine.

"Goodmorning Tito Vien at Tita Elaine." Bati ni kian sa dalawa.

"Kian Monticillo."Napamanghang wika ni Vien.

"G-oodmorning kian. We didn't expect that you'll come over here."Nagkatinginan naman ang mag-asawa na may halong pagtataka sa kanilang mga mukha kung bakit siya naparito na kay aga-aga."It's a little bit surprising since we know what happened 8 years ago.Umm, A-hhh, by the way iho whats brings you here?"Salo nalang ni Elaine sa usapan dahil nanatiling walang imik si Vien na muli makita ang lalaking nagpasakit ng damdamin sa kanyang anak noon.

"I'm sorry for being an unexpected visitor early in this morning.Kayo ho ang sadya ko tita, tito." matatag na sabi ni kian.

"Maupo ka iho." Sa wakas, ay nagsalita na si Vien.Tumango naman si kian at umupo na rin silang tatlo.

TNPR Book 2: Love will lead us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon