Things all went through today with kian. Mabuti nalang hindi na kami masyado nagbabangayan dalawa. Maayos kami nag-uusap. Sinet-aside muna namin iyong problema namin dalawa. We just enjoy the day na magkakasama kami. It's opportunity na rin to find out what I really felt for kian. I just realize na nakakapagod rin isipin kung ano ba talaga ang pinopoint out ko sa sarili ko. I keep on saying to myself dati na ayoko na magmahal kung isang kian migs monticillo nanaman ulit ang makikilala ko. Iyong tipo na kalimutan nalang ang lahat na nangyari and to think na walang nangyari pero hindi pala... Hindi ganun kadali harapin iyon sa kasalukuyan. Mas lalo akong nahihirapan kasi muli nag krus ang landas namin ni kian. To the point na wala na talaga iyong feelings mo para sa kanya pero nung makita mo ulit siya nagkamali ka pala... Muli nanaman nabubulabog iyong feelings na matagal ko ng inalis sa sarili ko para sakanya.
And there, Andiyan si Terrence. Ang super kulit at corny na manliligaw ko. Bakit kasi hindi nalang si Terrence ang minahal ko noon pa? Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Mahal niya kasi ako...pero ako ang may problema..Hindi ko mahal si Terrence. I looked at him only as a friend. Hanggang kaibigan lang talaga ang pwede kong I give in sa kanya.
Maswerte ang babaeng mamahalin ni Terrence.Nagpapasalamat ako kay Terrence dahil minsan binigyan niya ng kulay ang mundo ko when im in the time of my darkess side. Iyong time na malungkot ako,pinapasaya niya ako.
Ngayon naipit ako sa isang sitwasyon na kailangan kong pagdesisyonan... A one big favor to asked for. Marriage..
I am going to decide if I am willing to be a Mrs. Monticillo.
Kaya ngayon, Pinakapalan ko nalang iyong mukha ko kanina na pumunta sa bahay nila kian and asked him if it is okay to go out with me today. Siyempre ang ibig sabihin ko nun sa sinasabi ko is a DATE.
Kahit isang araw lang.. Isang araw kung meron pa bang kilig factor sa katawan ko pag naiisip,nakikita,nakakasama,nakakausap ang isang kian migs monticillo.
If katulad pa rin ba noon ang pagtibok ng puso ko sakanya hanggang ngayon.
I want to compare the past from my present.
Nasa loob kami ng kotse ni kian. Pareho kami abala sa pagkain ng aming ice cream cup. Dumaan kasi kami sa ice cream parlor. Siyempre nilibre ako ni kian.Habang nagmamaheno nga siya kanina ako ang pinahawak niya sa ice cream cup niya at anak naman ng tinola.Alam niyo ba kung ano ang sinabi niya sakin kanina?
"Babe. Pasubo naman ng ice cream."
Oh kita niyo na ang ugali ng lalaking iyan? May pa babe-babe pang nalalaman eh.
I can't deny but I blushed in that time at worst He saw me blushing because of him.
Sinubuan ko naman siya at baka umiyak.
Nandito kami sa isang Open Park. Hindi kami bumaba ng kotse kasi nga tinatapos pa namin iyong ice cream namin. Ipinark lang ni kian iyong kotse under the tree para naman hindi maiinitan iyong kotse.
"Terrence came into my house lately." Panimula ni kian. Binasag niya iyong katahimikan na kanina pa namumuo sa aming dalawa. Mabuti na nga lang may ice cream kung wala, kanina pa panis iyong laway ko sakanya.
BINABASA MO ANG
TNPR Book 2: Love will lead us Back
RomanceWhat will you do if both of you will see each other again? Aminadong hindi ka kinalimutan ng taong minsan ka minahal at gayong mahal ka pa rin hanggang ngayon. Do you still want to trust the person who once broke you? O tuluyan na lamang kalimutan a...