It's been 8 years na huli niyang nakita si Pam, it was the saddest and hurtful day of his life na hanggang ngayon pinagsisihan niya ang mga bagay na hindi dapat niya ginawa. Lalaki lang naman siya, nadala sa temptasyon, gayunpaman mali parin ang ginawa niya. He was thinking kung bakit bumalik pa ito sa pilipinas. Ang buong akala niya, hindi na muli ito babalik pa. What is she doing here? Is she staying here for good o di kaya nagbabakasyon lamang? I bet she is married now. Yan ang mga katanungan naiisip ni kian sa mga sandaling iyon. Napailing nalang siya at dinama ang mainit na tubig na nagmumula sa shower nito. Nilakasan niya iyon.
Matapos magshower ni kian ay agad siya umalis sa bahay nila. Mag isa lang siya ngayon sa mansion. Wala ang daddy niya dahil umalis patungong Hong Kong for a small vacation. Someday mapupuno ang mansion nila ng mga bata with his future wife. Hindi niya rin naman maiwasan makaisip na bumuo na rin ng sariling pamilya sa tamang panahon.
---
"Anak, Are you already awake?" katok ni Elaine sa pintuan ni Pam.
Hindi narinig ni Pam ang boses ng kanyang Mommy sa labas dahil may kausap siya over the phone. Kanina pa kasi nangungulit si Terrence sa kanya.Paulit ulit ito tumatawag, ayaw niya naman sana sagutin ang tawag nito kaso dahil iritado na siya napilitan siyang sagutin ito.Si terrence lang naman kasi ang kaisang isa na manliligaw niya sa states na ubod ng kulit. Ilang ulit niya na rin ito binasted pero sige pa rin ng sige.Mabait si Terrence pero it's a NO for her. Ayaw niya muna ng commitments.
"Ano ba naman Terrence, how many times i've told you wala akong nararamdaman para sayo. Hindi ka pa ba nagsasawa na ilang ulit kita nirereject? Have pity on yourself."
"Pam, I love you and that's what i felt for you. If you just give me a chance I'm gonna prove it. Just give me a chance."
"Terrence please, Lubayan mo na ako. Marami pang iba na mas worthy sakin na magmamahal sayo ng totoo. Aaminin ko Gwapo ka, Mabait, very thoughtful guy lahat ata nasayo na. Swerte ang babaeng mamahalin mo pero wag ako Terrence. Im not the one for you.hindi ako ang babaeng hinahanap mo." Pag papaliwanag niya. Tama naman ang sinabi niya. Kung meron man siyang nararamdaman para kay Terrence matagal na niya ito sinagot pero wala talagang "kilig feeling" siyang nararamdaman para dito.Pati ata puso niya nagiging pihikan na.
"I will never stop loving you Pam, Lahat gagawin ko para sayo. kung gusto mo susunod ako diyan sa pilipinas para makasama kita.Gagawin ko."
Nabahala tuloy siya sa binitawang salita ni terrence. Hindi dapat siya magpunta rito!
"Terrence please, Stop it! You are just wasting your time.Don't make it hard for me lalo na sa sarili mo. I'm hanging up now. Bye." saka binaba na nga ni Pam ang phone niya at itinabi niya iyon sa side table niya.
Ano na ang gagawin niya pag totohanin ni terrence ang pagpunta sa pilipinas? Nababaliw na talaga si terrence pati siya maagang mababaliw sa kakaisip kung ano paraan para iwasan ito. kaklase niya si Terrence sa states at pareho nila kinuha ang kursong Business administration.
Hindi niya napansin na nakapasok na pala ang mommy elaine niya at kanina pa palang nakikinig sa usapan nila ni terrence.
"Anak...." tawag ng kanyang mommy.
Gulat na napalingon naman si Pam sa likuran niya aat nakitang nakatayo ito sa likod ng pintuan.
BINABASA MO ANG
TNPR Book 2: Love will lead us Back
RomanceWhat will you do if both of you will see each other again? Aminadong hindi ka kinalimutan ng taong minsan ka minahal at gayong mahal ka pa rin hanggang ngayon. Do you still want to trust the person who once broke you? O tuluyan na lamang kalimutan a...