My Life

171 7 3
                                        


They were married at the

great christian church somewhere.

Hindi ko na tinandaan.

Ako ang bestman at siya ang groom.

Aargh!

Madilim ang mukha ko buong araw.

Ni hindi ko nakuhang ngumiti

kahit mapagpanggap na ngiti lang.

Bakit?!

Prince. Tama na yang ininom mo.

Kinuha o mas tamang sabihin na inagaw ni manager yung baso.

Nakayuko ako sa mesa.

Hinawakan niya ang kamay ko.
Magpakahinahon ka. Hindi mo madadaan sa init ng ulo yang...

Alin?! Ang alin? Wala akong magagawa uncle. Kahit mag wala pa ako. Dahil...

Prince.. May problema ka ba?

Himala lumapit siya sakin.

Nilingon ko siya at ngumiti ako.

Oh. Ako bang kausap mo?

Sabi ko sa kanya. Katulad pa rin siya

ng dati. Seryoso ang mukha.

Isang saglit akong nag isip.

Gusto ko siyang galitin, pero

huminto ako. Ininom ko ang

laman ng baso na di napigilan ni

manager. Huwag kang mag alala
aalis na ko.. Sige..

Tumayo ako at umalalay agad si manager. Muntik pa kaming

matumba. Naramdaman kong niyakap ako ni kuya. Napangiti ako.

Bumitaw ako kay manager at hinawakan ni kuya ang braso ko.

Nilingon ko siya. Prince... Huwag kang mag wala dito. Bulong niya sakin.

Niyakap ko siya.
I hate you King. Nakangiti kong bulong sa kanya. I f***king hate you. Pagkatapos nun itinulak ko siya at naglakad ako mag isa.

Umiikot ang tingin ko. Pero humakbang ako. Galit ako sa kanila. Lahat sila. Si mama. Si papa.

Napahinto ako ng makita ko si Marie. Nakatingin sa akin.

Napalunok ako.
Marie.. Lalapitan ko sana siya pero

bumigay ang tuhod ko. Huli kong narinig ang boses ni kuya.

Tinatawag ang pangalan ko.


-------

Prince. Kumain ka muna.

Si mama Pauline. Kahapon pa siya ganyan. Pinipilit akong bumangon.

Pumunta din si papa kahapon.

Galit na galit.
Anung kalokohan ang ginagawa mo Prince? Hindi kita pinag aral sa amerika para lang guluhin ang kuya mo.

Hindi mo naman talaga ako pinapunta sa amerika papa.

Sagot ko dito. Ipinatapon ako ng asawa mo.

Pak!

Napabiling ang mukha ko sa lakas ng sampal niya. Pinahid ko ang dugo sa gilid ng labi ko.

Kelan ka pa natutong sumagot?
Bastos! Yan ba ang natutunan mo sa pag aaral mo? Pulang pula ang mukha niya sa galit.

Tinawanan ko lang siya.

Inawat naman siya ni mama Pauline. Humingi ng tawad para sa akin.

Huwag kang humingi ng tawad mama Pauline. Sabi ko kay mama.
Hindi ka nga naipaglaban ni papa sa mahal na reyna. Anung silbi ng pagpapatawad niya?

Umalis si papa na nakakuyom ang palad.

Umiyak naman si mama Pauline. Niyakap ko siya. Humingi ka ng tawad anak. Huwag mong sirain ang buhay mo.

Pero matagal ng sira ang buhay ko.

Gusto kong sabihin sa kanya.

Napabuntung hininga ako.
Matulog ka na mama.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa hardin.

Malamig ang hangin sa labas.

Hinawakan ko ang dibdib ko.

Pakiramdam ko wala na itong laman.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal dun. Nagulat na lang ako

ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Maraming star sa langit.

Nakangiting sabi niya.

Tiningnan ko siya.

Masaya kaya siya kay kuya?

Bahagya akong tumango.
Marami nga. Sabi ko.

Kamusta ka na?

Nagkibit balikat ako.

Ano ba ang pwede kong sabihin.
Palagi kang ngingiti.

Nagulat ako sa sinabi niya.
Nakakagaan kasi ng loob na makita kang nakangiti.

Mahina niyang sabi.

Tinapik niya ang kamay ko.

Tumayo at dire diretsong

pumasok sa loob ng bahay.

Hinawakan ko yung kamay

ko na tinapik niya.

At para akong tanga na ngumiti.

i fell in love with my brother's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon