King. Kamusta yung ipinapatayong park sa Seulleung? Ipinadala mo ba yun blue prints kay Jae?
Yes papa. Naumpisahan na ng mga...
Napatakip si Marie sa bibig niya.
Kanina pa masama ang pakiramdam niya pero hindi siya kumikibo.
Tumayo siya at tumakbo sa kusina.
Nagkatinginan naman ang mga naiwan sa mesa.
Nakakunot ang noo ni Prince.
Bumalik si Marie at dahan dahang naglakad palapit kay King.
Are you ok hon? Nag aalalang tanung nito. Namumutla si Marie.
Tumayo siya para alalayan ang asawa.
Nakakailang hakbang pa lang ito ng biglang sumuray at bumagsak mabuti at nasalo siya ni King.
Napatayo si Prince.
Nakatitig sa mukha ni Marie.
Hindi naman nalingid kay King ang nakita niyang pag aalala sa mukha nito.
Bring her to your room.
Masayang boses ang narinig nilang nagmula sa kanilang mama.
Dahan dahang umupo si Prince.
Hinawakan naman ni Pauline ang kamay ng anak. Alam niya ang nararamdaman nito.
Nagpatawag ng duktor ang papa nila.
Hindi na pumasok si Prince sa restaurant at nagpasabing may emergency sa bahay.
Inaabangan niya ang duktor na tumingin kay Marie.
Paglabas nito nagkasalubong ang tingin nilang magkapatid.
Ihinatid ni King ang duktor hanggang sa kotse nito.
Saka bumalik sa bahay.
Naabutan niya ang kapatid na nakayuko sa gilid ng fountain.
Bumuntong hininga siya.
She ok. Sabi ni King pagtapat sa kinauupuan ni Prince.
Gulat naman itong napatingin sa kanya. Huwag kang magalala normal lang yung nangyari.
She's pregnant. Ngumiti pa siya tsaka diretsong pumasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
i fell in love with my brother's wife
Fanfiction" you may now kiss the bride " Tiningnan ko siya nakangiti at nagniningning ang mga mata sa araw ng kasal niya ...at ni kuya... ===================