waiting for you

116 5 7
                                    

Tahimik na nagalalakad sila Marie at Janikka.

Malalagong halaman ang nasa paligid.

Mama.. Where is daddy?

Tanung naman ni Janikka.

Soon baby, you will see daddy soon. Sagot ni Marie. Hindi niya napigilang tumulo ang luha. Pinahid niya iyon at ngumiti sa anak.

Malayo pa ay nakita na nila ito.

Puti ang suot at nakatingin sa kawalan.

Nakaupo ito sa hardin.

Tumingin si Janikka dito at dahan dahang lumapit.

Hinawakan niya ang kamay ni Prince.

Nilingon siya nito at nginitian.

Ginulo niya bahagya ang buhok.

Napakagaan ng loob niya sa batang ito.

Dalawang beses na niyang nakikita. Palagi kasama ang isang babae na kapag tinititigan niya parang iiyak ang mga mata.

Prince. Kamusta ka na dito?
Kumain ka na ba? Ayun na naman siya. Nakangiti pero yung mata niya...

Tinitigan niya ang babaeng nasa harap niya.

Daddy... Nabaling ang tingin niya sa bata. Daddy...


Papa happy birthday!

Naku naman ang prinsipe ko. Gawa mo ba ito?

Opo. Gumawa din ako ng para kay kuya. Diba bukas birthday niya?

Bumaling uli siya sa malayo.

Marami siyang mga nakikitang tagpo sa isip niya pero hindi niya alam kung totoo ba iyon o hindi.

Naramdaman niya ang kamay ng babae na inaayos ang buhok niya.

Tiningnan niya ito.

Ngumiti siya.

Lumabas ang dimple sa magkabilang pisngi niya.

Ilang taon na rin siyang nakatira sa malaking bahay na iyon.


Ang natatandaan niya lang nakabenda ang buo niyang katawan. Nang magmulat siya ng mata sabi ng duktor halos dalawang buwan siyang tulog.

May dalawang lalaki na madalas dumadalaw sa kanya.

Pero hindi talaga niya kilala ang mga ito. Pati itong babaeng kaharap niya.

Napapikit siya ng masahihin nito ang ulo niya.

Gusto niyang alalahanin kung saan niya ito nakilala pero walang siyang matandaan.

Palagi itong pumupunta sa kanya.

Madalas tahimik lang pero nasa tabi niya palagi.

Kumain ka na, nagluto ako ng paborito mo. Sabi ni Marie at ihinanda ang dala nito.

Hinawakan niya ang kamay nito.

Bahagyang hinila para umupo sa tabi niya.

Napangiti naman si Marie. Umupo siya sa tabi ni Prince. Kahit ganito lang masaya na siya.

Sabi ng duktor, wala ng naaalala si Prince sa nakaraan niya. Ni hindi niya kilala ang sarili niya. Ilang ribs ang nabali dito pati ang binti. Sa taas ng binagsakan nito ng tumalon sa tulay, malaking damage ang nagawa nito sa katawan ni Prince. Comatose. Akala nga nila bibigay ito. Pero pagkaraan ng dalawang buwan bumuti ang lagay nito. Pero hindi sila kilala. Kahit ang mama Pauline niya. Mas pinili din nitong mamalagi sa ospital kesa umuwi sa bahay nila.

Humilig siya sa balikat ni Prince at pumikit. Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya.
Sana bumalik ka na.
Miss na miss na kita.

i fell in love with my brother's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon