Bye babe. Lock the doors ok?
Hinalikan pa ni King ang noo ni Sam.
Dumiretso ito sa elevator at sumakay sa kotse. Tumawag si Marie kanina at pinauuwi siya. May nangyari daw sa mama niya.
Kampanteng kumatok siya sa pinto.
Tapos nag doorbell ng tatlo.
Napangiti siya ng marinig na
nag click ang mekanismo pag unlock ng pinto.
Nakangiti si Sam ng buksan niya ang pinto pero nagulat siya ng bigla itong itulak ng malakas at napaupo siya sa carpet.
Sumara ang pinto at nag lock.
Tiningnan niya ang nagmamayari ng sapatos na nakatapak sa loob ng bahay niya.
Nakangiti ang lalaki. Nakalabas ang dimple sa magkabilang pisngi, pero natakot siya sa nakita niyang kislap sa mata nito.
Galit. Hindi...poot ang nakikita niya sa mga mata nito.
May hawak itong silver na baseball bat at naka gwantes ito.
Kamusta, Samantha Lyn Kim.
Hmm. Dating secretary ng Jung International Hotel.Ang ganda ng bahay mo ah.
Gaano katagal ka na bang nakatira dito.Lumapit ito sa flatscreen tv na naka install sa isang wall ng condo niya.
Ang ganda nito.
Mahal to no?Pagkasabi nun ubod lakas niyang hinataw ng bat ang tv. Naglaglagan ang piraso nun sa sahig. Basag.
Napalunok si Sam.
Sa hitsura nito alam niyang galit ang naguudyok dito para magwala.
Hindi niya ito personal na kilala pero ang sabi ni Xander dati, napakabait nito.
He was a lamb and Im the wolf.
Pagdedescribe pa ni Xander nuon.
Napaatras siya ng lumakad ito papalapit sa kanya.
Nanlalaki ang mata niya.
Lahat nang daanan nito hinahampas ng bat at nasisira o nayuyupi.
Nagkalat ang basag na gamit.
Wala siyang choice kundi tumakbo sa kwarto at nagadasal na sana mauna siya at makapaglock ng pinto.
But lady luck turn her back on her.
Pagpasok niya sa kwarto, kasunod niya ito. Pabagsak na isinara ang pinto. Binasag lahat ng gamit sa loob.
Napaupo siya sa gilid ng cabinet
at niyakap ang sarili.
Xander...help me..Sigaw ng isip niya.
Naramdaman niyang lumapit ito.
Ihinanda na niya ang sarili.
Pumikit siya.
Umaagos ang luha sa mga mata.
Isang lang ang nasambit niya.
...Xander...help me...
BINABASA MO ANG
i fell in love with my brother's wife
أدب الهواة" you may now kiss the bride " Tiningnan ko siya nakangiti at nagniningning ang mga mata sa araw ng kasal niya ...at ni kuya... ===================