Mama where are we going?
Napalingon si Marie kay Janikka.
Mag ta tatlong taon na ito.
Kamukhang kamukha ng tatay niya.
Were going to visit daddy.
Nakangiting sabi niya dito.
Nang sabihin sa kanya ni manager Jae ang totoo nagalit siya dito.
Ilang taon ang sinayang niya, dapat pala nuon pa kay Prince na siya sumama.
Tandang tanda niya ang gabi na yon. Sinadya niyang uminom at maglasing para matupad ang balak niya.
Ilang beses siyang nakiusap sa mga magulang niya. Ayaw niya kay King. Noon pa kahit na mabait ito sa kanya, hindi naging palagay ang loob niya dito. Pero naipagkasundo na siya. Isa lang ang naisip niya na pwedeng magbaliktad ng sitwasyon.
Kailangang may mangyari sa kanila ni Prince.
Nakiusap siya sa pinsang si Minreille na ihatid siya sa kwarto ni Prince kapag nalasing siya. Papunta ito ng Australia kinabukasan kaya siguradong hindi ito masasali kung sakaling magakagulo.
Nag dalawang isip pa siya kayat iniwan niya si Prince pero hindi niya nakayang lumabas ng kwarto nito. Sobrang nahihilo na siya nuon.
Laking pagsisisi niya kinaumagahan ng makitang nasa kwarto siya ni King at nagkalat ang damit niya sa sahig.
Nakita niyang nasaktan si Prince sa nakita at sinisi niya ang sarili.
Naging mabait sa kanya si King. Ni hindi siya nito ginalaw mula ng ikasal sila. Kaya pala mayruon siyang Sam.
Kung nandito lang sana si Prince mas magiging masaya siya, pati ang anak nila.
BINABASA MO ANG
i fell in love with my brother's wife
Fanfiction" you may now kiss the bride " Tiningnan ko siya nakangiti at nagniningning ang mga mata sa araw ng kasal niya ...at ni kuya... ===================