Nakatanga si King sa library.
Hindi niya akalain na ganun kagulo ang nangyari sa pamilya niya.
Hindi naman niya masisi si manager.
Mula pagkabata ito na ang kasakasama ni Prince kaya di malayong mahalin niya ito gaya ng isang anak.
Lalo pat hindi naman niya ginampanan ang pagiging kuya niya dito.
Outcast sa pamilya sa Prince.
Lumaki man ito na kasakasama nila.
Hindi ito matanggap ng mama niya pero hindi rin niya mapaalis sa kanila. Hindi kasi umuuwi ang papa niya kung wala dun ang mag-ina.
Matalino din ito kaya ipinadala sa US ng mama niya. Masyado na kasing pinaguusapan sa eskwelahan.
Bininyagan itong Prince John Lee Jung, pero simula ng mag middle school hindi na nito ginamit ang apelyidong Jung.
Nasa university na siya nuon.
Nainis siya nuon kay Prince dahil pakiramdam niya, mas mahal ito ng papa nila kesa sa kanya.
Pero kahit anung hindi niya pagpansin dito hindi ito nagsasawang lumapit sa kanya.
Kuya nasa top ako .
Masayang pagbabalita ni Prince.
Tinitigan niya ang ipinakita nitong certificate at proud na proud siya para dito.
Kaya lang pagtaas ng tingin niya nakita niya ang mukha ng papa niya. Nag niningning ang mata habang naka titig sa kapatid niya.
Tango lang ang ibinigay niyang sagot sa kapatid at nakita niyang bahagyang nanlumo ito.
Iyon ang isa sa dahilan niya kaya iniwasan na lang niya ito. Ayaw niyang nakikita ang sobrang pagkagiliw ng papa niya dito.
Nang paalis ito papuntang US sobra siyang nalungkot pero wal siyang magawa. Madalas naman nagbabalita si manager ng mga activities nito. Hindi siya nagtataas ng tingin, pero tinatalasan niya ang pandinig niya.
Pagdating nito galing sa america, hindi niya maitago ang sobrang saya sa pagbabalik nito.
Inaasahan niyang nag iba na ito ng ugali, pero nagulat pa siya ng makita ang saya nito ng muli silang magharap.
Napailing siya.
Ang dami kong sinayang na pagkakataon.
Paano ko pa maibabalik lahat iyon?
King. Napatingin siya kay Marie.
Hindi niya namalayan na nasa loob na pala ito ng library.
Gusto ko.. gusto ko sanang umuwi kila mama. Dun muna kami ni Janikka. Nakayuko ito habang nagsasalita.
Walang nagpapaalis sainyo Marie.
Dito lang kayo. Mahina niyang sabi dito.Pero..pero alam mo naman na..
Dito lang kayo.. Walang aalis.
Matigas niyang sabi dito.
Naawa siya ng makitang tumulo ang luha nito bago lumabas. Pero kailangan niyang manindigan.
Dumito kayo hanggang makapagisip ako Marie.
Napabuntunghininga si King.
Minasahe niya ang sentido.
Maguusap sila ni manager kasama ang papa niya mamaya.
Gusto na niyang matapos ang gulo.
Ito na lang ang tanging magagawa niya para sa kapatid niya.
BINABASA MO ANG
i fell in love with my brother's wife
Fanfiction" you may now kiss the bride " Tiningnan ko siya nakangiti at nagniningning ang mga mata sa araw ng kasal niya ...at ni kuya... ===================