Humihingi ako ng tawad.
Nakayukong sabi ni manager Jae.
Kung hinayaan ko sigurong mga pangyayari, baka hindi naging ganito kalala ang sitwasyon.Tahimik na nakatingin sa kanya si don Lorenzo at King.
Nung gabi ng party sa cabin, binantayan ko si Prince. Pagsisimula niya. Alam ko na mapusok siya at natatakot ako sa maaari niyang magawa.
Kampante ako ng matulog siya ng maaga. Pero hindi ko inaasahan na pupuntahan siya ni Marie.
Nagulat ako ng pagsilip ko sa kwarto ni Prince nandun si Marie.
Huminto siya sa pagsasalita at umupo sa sofa.
Sa kwarto ni Prince? Nagtatakang tanung ni King. Pero bakit...
Kagagawan ko. Putol ni manager sa sasabihin ni King. Nagpatuloy siya.
Tulog na tulog si Marie ng binuhat ko siya at dinala sa kwarto mo.Ikaw naman nasa labas ka nuon at panay ang inom.
Ang nasa isip ko nuon, baka itakwil ng pamilya nyo si Prince dahil alam kong gustong gusto ni Donya Henrietta si Marie para sayo.
Masisira ang buhay niya. Baka palayasin nyo siya dito.
Nang makita kong lasing na lasing si King, tinulungan ko siya hanggang makarating sa kwarto niya. Ihiniga ko siya sa tabi ni Marie, pero bago pa ako nakalabas, tumayo siya at natumba sa sahig.
Nuon naman dumating mula sa club Miradon sila Don Lorenzo at ang mga magulang ni Marie.
Nagmamadali akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Prince.
Hinayaan ko na lang si King sa ganuong posisyon.Naipagpasalamat ko na walang naalala si Prince sa sobrang kalasingan niya ng gabing yon. Pero hindi ko inaasahan na iyon pa pala ang pag uumpisahan ng gulo.
Ang batang yun, napakasaya niya simple lang ang gusto niya.
Isang pamilya.
Napayuko si manager at sinalo ang ulo nito. Tahimik na umiyak.
Kunag ganun anak niya talaga si Janikka. Napabuntung hiningang naisip ni King.
Kaya pala. Galit na galit siya sa akin.
Tahimik naman si don Lorenzo.
Sinisisi ang sarili dahil wala siyang ginawa para sa mga anak niya.
Tiningnan niya si King.
Ang panganay niya.
Malaki ang pangarap niya para dito.
Sa sobrang taas ang pangarap niya nakalimutan niya ang isang bagay.
Tao ng pala ito na tumitibok ang puso.
Kamusta na si Samantha?
Gulat na napatingin sa kanya si King. Hindi niya sinasabi dito pero
alam niya lahat ng tungkol dito.
Ang relasyon kay Samantha pati ang pagpunta nito sa condo ng babae.
Bago pa ang kasal nila ni Marie, inasahan na niya na magrerebelde ito at tatanggi pero mali siya ng akala. Sumunod ito sa gusto nilang magasawa.
Iuwi mo na siya dito. Mahinang sabi niya. Ayusin ninyo ang relasyon niyo. Dapat siguro nuon ko pa ito ginawa.
Pinabayaan ko ang mama mo magdesisyon dahil sa kasalanan na nagawa ko sa kanya. Pero mali pala iyon.
Papa.. Hindi malaman ni King kung matutuwa ba siya. Lumapit siya sa papa niya at nakita niyang ngumiti ito sa kanya. Sige na. Ako na ang bahalang kumausap sa mama mo.
Tawagin mo si Marie, JaeYoon. Gusto ko siyang kausapin.
Pagkasabi nuon, sumandal sa upuan si Lorenzo at pumikit. Aayusin niya ang pamilya niya. Dapat lang.
Nuon pang nakilala niya si Pauline alam na niya na dapat hiniwalayan niya si Henrietta. Pero nakiusap ito at pumayag na itira duon ang mag ina huwag lang niyang pabayaan ang negosyo at ang pagiging ama kay King.
Kailangan niyang isaayos ang lahat para sa kinabukasan ng apo niya.
Sabay na lumabas ng library si manager at King.
Kakausapin ko muna si Marie.
Gusto kong sa akin manggaling ang totoo tungkol kay Sam.Tumango ng bahagya si manager.
Sana.. Umayos na ang lahat.
Inilipat lahat ng gamit ni Marie at Janikka sa kwarto ni Prince. Pinalitan ang kama dito pati ang mga cabinet.
Iniuwi naman ni King si Sam.
Sa lahat ng ito tahimik na nakatingin lang si donya Henrietta. Ayaw man niya ang pangyayari, wala na siyang magagawa. Kalahati ng katawan nito ay namatay ng inatake siya at di na makakilos mag isa. Mayruon siyang dalawang private nurse na salitang nagaasikaso sa lahat ng pangangailangan niya.
Tahimik na nakamasid si Pauline mula sa ikalawang palapag ng mansiyon. Masaya na sana.
Isa na lang ang kulang..
BINABASA MO ANG
i fell in love with my brother's wife
Fanfiction" you may now kiss the bride " Tiningnan ko siya nakangiti at nagniningning ang mga mata sa araw ng kasal niya ...at ni kuya... ===================