Malayo pa ay tanaw na niya si Prince.
Naglalakad ito sa may unahan nila.
Nakatungo ang ulo na tila malalim ang iniisip.
Hindi niya alam kong instinct bang matatawag.
Parang narinig nitong pinaguusapan siya.
Nag angat ito ng tingin.
Tinitigan ang papadating na kotse at umiwas.
Tumakbo ito at hinabol naman nila.
Umabot sila sa tulay at kinabahan si King.
Ihininto niya ang kotse at lumabas.
Naglalakad paatras si Prince at nakatingin sa kanila.
Prince!
Umuwi na tayo!
Tumingin ito sa kanya at huminto.
Tsaka naman dumating ang mga mobile ng pulis. Humarang ito sa kabilang side.
Nagtaas ng kamay si King.
Walang magpapaputok!
Tinitigan siya ni Prince.
Malungkot ang mga mata nito.
Tapos ngumiti.
.
Umakyat ito sa pasimano ng tulay.
Tsaka naglakad sa gilid nito.
Napatakbo sila ni Jae.
Bumaba ka diyan Prince!
Magusap tayo!
Huwag kang lalapit King!
Babala nito.
Muntik na itong madulas pero nakahawak sa gilid.
Pigil ang hininga ni King.
Humahanap siya ng tiyempo, para makalapit sa kapatid.
Bumitaw sa hinahawakan si Prince at umaktong tatalon ng magsalita si Jae.
Prince!
Napalingon silang dalawa dito.
Umuwi ka..
naghihintay si Marie..
Sinabi ko na sa kanya ang totoo.Bumaba ka na diyan..
Anung sinasabi mo uncle?
Nakakunot noong tanung ni Prince
Ikaw ang ama ni Princess Janikka.
Umuwi ka na naghihintay ang mag-ina mo. Magumpisa kayo.Tigilan mo na to.
Napatitig si Prince kay Jae.
Tila nag iisip.
Bakas ang hindi paniniwala sa mukha nito.
Dahan dahang lumapit si King.
Bababa na sana si Prince,
nang madulas ang paa nito.
Naghanap ng makakapitan ang kamay nito habang nasa ere.
Tumakbo naman si King.
Nahawakan niya ang jacket nito.
Akina ang kamay mo!
Bilis! Sigaw niya dito.
Prince!
Makinig ka sa akin. Ako ang kuya mo. Pakiusap niya dito.Kuya...
Nilingon siya ni Prince at itinaas ang kamay.
Nakahinga ng maluwag si King.
Hindi niya inaasahan ang gagawin nito.
Ikaw na ang bahala sa mag ina ko kuya.. Nakangiting sabi nito.
Itinaas nito ang dalawang kamay at lumusot sa jacket nito.
Tumitig pa ito kay King, at saka pumikit. May tumulo na luha sa mata nito.
Mabilis itong bumulusok pababa.
At nilamon ng tubig ang katawan nito pagdating sa baba.
Hindi makapaniwala si King.
Priiiinnnncceeee!!!
BINABASA MO ANG
i fell in love with my brother's wife
Fanfiction" you may now kiss the bride " Tiningnan ko siya nakangiti at nagniningning ang mga mata sa araw ng kasal niya ...at ni kuya... ===================