Home

152 6 9
                                    

Ikaapat na kaarawan ni Janikka.

Nagpahanda si donLorenzo.

Iuuwi nila si Prince mula sa ospital ngayong araw na ito at pumayag ito.

Natuwa siya ng malamam na pumayag itong umuwi.

Ilang beses na nila itong tinangkang iuwi pero palagi itong nagwawala pagdating sa tapat ng gate nila.

Sa takot na tuluyang masiraan ito ng bait, hinayaan nila ito sa ospital. Dinadalaw dalaw na lang nila.

Lumipas ang matagal na panahon pero mukhang hindi na babalik anh dating Prince.

Wala ito kahit isang matandaan.

Hindi sila kilala. Hindi rin sila hinahanap.

Kahit nga makita nito si Janikka at Marie. Wala itong reaksiyon.

Bumaling lang ng tingin sa malayo pagakatapos tingnan ang mag-ina niya.

Jae yung caterer tawagan mo baka mauna pang dumating si Prince. Paalala niya sa assistant manager.

Opo. Padating na sila. Huwag kayong mag alala. Pagakatapos ay umalis na iyon para asikasuhin ang mga nagdedekorasyon sa hardin.

Naramdaman niyang may humawak sa braso niya.

Napalingon siya sa nakangiting mukha ni Pauline. Ipinatong niya ang kamay sa kamay nito at ngumiti.

Sinundo nila King at Marie si Prince.

Maya maya dadating na ito.

Magkakasama sama na ulit sila.

Kahit ngayong araw lang.

----

Happy birthday Janikka!

Sabay sabay na binati ng mga batang bisita si Janikka. Palakpakan ang lahat matapos nitong hipan ang mga kandila.

Nakamasid lang si Prince.

Nakaupo siya sa hardin sa tabi ng fountain.

Inililibot niya ang tingin sa paligid.

Pagsapit ng ika pito ng gabi, nagumpisa ang kasayahan.

Nag toast ang lahat para sa pagbabalik ni Prince sa mansiyon.

Maya maya pa tumugtog ang biyulin. Isang slow song para naman sa matatandang bisita.

Marami ang tumayo para sumayaw.

May kung anung humila sa paa ni Prince at natagpuan niya ang sariling nakatayo sa bandang likod ni Marie. Hinawakan niya ito sa balikat. Gulat na napalingon si Marie.

May I have this dance?

Napaawang ang labi ni Marie.
Totoo ba ito?

Iniabot niya ang kamay dito at dinala siya nito sa gitna ng hardin.

Isang kamay sa bewang at isa sa kamay. Sumayaw sila. Tumabi naman ang mga bisita at pinabayan silang angkinin ang oras na iyon.

Nakatitig si Prince sa kanya.

Bahagyang nakakunot ang noo.
Anung iniisip mo?

Gusto niyang itanung dito.

Pero pinigilan niya ang sarili niya.

Heto na si Prince. Ayos na sa kanya na kasama niya ito. Kahit di siya naaalala.

Nakatingin naman si King sa di kalayuan. Katabi ang nagdadalantaong si Sam. Pina annul na ang kasal nila ni Marie at nakatakda silang pakasal ni Sam pagka panganak nito.

Sana bumalik ka na Prince.

Bumukas ang mga labi ni Prince.

Ha? Hindi ko marinig. - Marie

Umiling ito at hindi na nagsalita hanggang natapos ang tugtog.

Daddy. Dance with me too. Tumakbong nilapitan ni Janikka ni Prince.

Nakangiti niyang tinitingnan si Janikka habang umiikot sila. Parang may naaalala siya sa mga ngiti nito.

Ang ganda ng mga mata niya.
Ang cute ng ilong at labi.

Hindi siya tumitingin sa akin.
Namumula ang pisngi.
Hindi ko kasi mapigilan
ang sarili ko na hindi
siya titigan...

Sobrang saya ko.
Hanggang sa matapos
ang tugtog.

Napalingon siya kay Marie at nakita niyang nagpahid ito ng luha habang nakatingin sa kanila.

Napahakbang siya papunta dito.

Bakit ka umiiyak? - Prince

Umiling lang si Marie at ngumiti.

Hinawakan ni Prince ang kamay ni Marie at pinisil ng bahagya. Saka siya ngumiti.

Napalingon siya sa kuya niya.

Nginitian siya ni King at ng babaeng katabi nito. Tiningnan niya ang babae at lalaking katabi nito na nagsasabing magulang niya at ang lalaking may karga kay Janikka na uncle daw niya.

Tapos na ang kasayahan.

Nagliligpit na ang mga katulong ng mansiyon.

Kanina pa nakatulog si Janikka. Isinama ito nila donLorenzo at Pauline sa east wing para duon patulugin.

Tahimik naman na nakaupo si Prince sa tabi ng fountain nakatingala sa langit.

Ang daming stars.

Nilingon niya si Marie.

Lumapit ito at naupo sa tabi niya.

Humilig siya sa balikat ni Prince.

Marie. - Prince

Hmmm.. - Marie

May ...magagalit ba kung..
dito na lang ako. Gusto ko,
dito lang. Sa tabi mo.

Napatuwid ng upo si Marie.

Tinitigan niya si Prince.

Hinawakan niya ang mukha nito.

Walang magagalit.

Naluluhang sabi niya dito.

Hindi man mabalik ang alaala nito. Gagawa na lang sila ng panibago.

Pamalit sa lahat ng sakit na naramdaman nito nuon.

Kumilos si Prince. Pinahid ang luhang tumulo sa mata ni Marie.

Hinawakan ang kamay nito at dinala sa dibdib niya.

Hindi ko alam kung bakit.
Pero sabi ng puso ko, mahal kita.

Tinitigan niya si Marie. Saka ngumiti ito sa kanya.

Mahal din kita Prince.

Niyakap niya si Marie.

Napuno ng kaligayahan ang puso niya,

at pagkaraan ng mahabang panahon, pakiramdam niya nakauwi siyat muling naging buo.

-------- the end ------

end story : 03.12.15

i fell in love with my brother's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon