Prince

341 8 10
                                    

Hi my name is Prince.

Prinsipe ako ng kaharian namin.

Si mama ang reyna at si papa ang hari siyempre di mawawala na me paborito silang anak.

Si Kuya. Successor ng throne ni papa.

May ari ng chain of hotels sa Korea at Japan.

Prince John Lee and pangalan ko.

Si Kuya si King Xander Jung.

Nakapagtataka ba na magkaiba ang last name namin? Ill let you in on a little secret. Anak ako ni papa sa kerida niya.

Buong buhay ko magkasama kami sa bahay. Dun na ako lumaki. Yung palasyo ng mga Jung ay may maliit na wing sa left side. At dun sa toreng yun ako nakatira.

Madalas dun si papa. Oras oras mula nung maliit ako akala ko yun lang ang bahay namin.

Nang tumuntong ako sa primary school, tsaka ko lang nakita na may katabi pala kaming bahay na mas malaki at mas maganda.

Mabait naman sa akin si kuya madalas din siya sa bahay dati.

Pero mula ng makapagaral sa university, di na niya ako pinansin.

Kahit makasalubong ko siya. Lampasan ang tingin niya sa akin.

Eto ngang birthday ni Dhezzarie Marie, di niya din ako kinausap.

Pero ayos lang sanay na ako.

Hindi ko lang maialis na ma miss ko yung kuyang nakikipaglaro sa akin dati.

Ang totoo kagagaling ko lang sa America. Dun ako nagtapos ng Business Administration. Pinalipat kasi ako ng school ng mahal na reyna. Nasasapawan ko daw ang anak niya. Nakatingin lang si kuya ng paalis ako.

Hindi ko alam kung naaawa ba siya sakin o anu. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

Si papa naman niyakap ako sabay sabing mag ayus ako ng pagaaral dahil may mahalaga akong tungkulin pagbalik ko.

Pero wala naman akong pakialam. Kung yung kumpanya ang ibig niyang sabihin, kanila na yun.

Mas gugustuhin kong magsikap sa sarili ko.

Pero ng makilala ko si Dhez, nahiling ko na sana legal na lang akong anak sa palasyo nila.

Dahil ang prinsesa na inaasam asam ko, ipapakasal nila sa susunod na hari.

i fell in love with my brother's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon