Robot no more

150 8 4
                                    

Kinabukasan inayos ko ang sarili ko.

Naligo ako ng maaga. Balak kong puntahan si Jeremy.

Sa kanya na lang ako magpapatulong humanap ng trabaho.

Ayoko sa kumpanya nila papa. Hindi ko rin gustong makasama si kuya.

Naguumpisa pa lang ang agahan ng bumaba ako.

Nandun si mama Pauline.

Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Masaya ang bukas ng mukha nito. Umupo ako sa tabi niya.

Kumakain naman si kuya at tiningnan ako hindi ko siya tinitingnan. Nanatiling mababa ang mata ko at di lumebel sa kanila.

Prince. Pumunta ka sa opisina ko mamaya. Sabi ni papa.

May pupuntahan ako. Sagot ko naman. Kumuha ako ng salami at inilagay sa pinggan ko.

Prince. Maybe you should go to your father's office. Ang daming trabaho dun at ang...

I dont work in your company. Putol ko sa sasabihin pa nito.

Ganyan naman siya. Mapagmando.

Turing sa lahat ng tao sa paligid niya ay robot.

Prince. Madiin ang pagkakatawag ni kuya sa pangalan ko.

Napabuntung hininga ako at tinitigan siya. Yes your highness?

Napainhale ang mahal na reyna.


Dinig na dinig ko. Inilibot ko ang tingin ko sa mga tao sa mesa. At huminto iyon kay Marie.

Nakayuko lang siya.
May maipaguutos po ba kayo?

Sarkastiko kong tanung dito.

Abat... Napahinto siya sa pagsasalita ng hawakan ni Marie ang kamay niya. Napalingon siya dito saka ngumiti.

Ihinagis ko ang table napkin saka tumayo. Hindi ka pa tapos kumain.

Sabi ni papa.

Busog na ko. Mauna na ako sainyo.

Sabi ko sabay alis..


i fell in love with my brother's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon