Effort

132 4 5
                                    

Oi John kelan ka pa dumating?

Tiningnan ko si Jeremy. Nandun kami sa condo niya.

Umiinom kami sa veranda.

Mag iisang linggo na ko dito.

Sabi ko sabay inom ng beer mula sa bote.

Dahan dahan bro. Parang uhaw na uhaw ka ah. Nakatawa ito.

Ngumiti lang ako. Kaklase ko si Jeremy sa US. Ipinadala ito duon dahil palaging napapatrobol.

Wala naman itong ginawa sa amerika kung di mag party at uminom.

Gusto kong mag apply sa inyo me bakante ba? Tanung ko dito.

Nabigla naman siya parang di naniniwala sa sinabi ko.

Anung sabi ng papa mo? Alam na ba nila?

Ayoko dun. Tanging nasabi ko.

Di na siya kumibo. Alam naman niya ang istorya ng buhay ko. Pati ang tungkol kay mama Pauline.

Hindi ako naglihim ng magkakilala kami sa unang taon palang namin sa Indiana University.

Hindi siya madaldal o takot lang kay papa. Kahit alin pa dun wala lang sa akin. Bunso sa tatlong anak. Sila ay may ari ng chain of reataurants sa Seoul.

Meron pero sa kitchen bro. Me alam ka ba sa kusina? Maliban sa kumain wala na akong alam sa kusina. Counted ba dun yung kaalaman ko sa kung anung wine ang babagay sa kahit anung meal course?

Pagkagaling namin sa papa niya na siyang nag interview sa akin unuwi na ako. Mag te train pa daw ako ng dalawang linggo.

Paakyat na ako sa hagdan ng lumabas si papa mula sa library niya.

Prince. Pumunta ka dito.

Matigas ang pagkakasabi niya. Utos iyon na di kailangang baliin.

Pumunta ako sa library at isinara ang pinto.

Hindi pa man ako nakakaharap nagsalita na sya. Anung kalokohan yung narinig ko na magtatarabaho ka sa kusina nila Enrique? Katatawag lang dito at nagmamalaki pa!

Ayun naman lumabas din ang totoo.

Mag te training ako mula bukas.

Sabi ko sa kanya. Me uniform na rin ako.

Abat. Naghahamon ka ba talaga Prince?! Sumisigaw na ito. Ang dali ng ibinibigay sayong trabaho sa opisina magsisiksik ka sa lugar

Tinitigan ako ni manager at pinayapa si papa. Tumingala ako.

Nakakainis. Gusto ko ng matulog.

Maaga akong gumising kanina at inaantok na ako.

Pinagpagan ko anv suot kong pantalon ng marinig kong bumukas ang pinto. Iilang tao lang ang kilala kong nakakapasok dito n hindi kumakatok.

Kung wala ka ng sasabihin aakayat na ako papa. Mahina na ang boses ko.

Honey, is it true na nagapply itong ... Anak mo kila Helena?

Tanung iyon na may tono ng pagaakusa.

Tumalikod na ako kahit di pa nagsasalita si papa. Ayokong magtagal at baka kung anu pa ang masabi ko. Hindi man sabihin ni mama Pauline alam ko, pinariringgan siya nito kapag nagagalit sa akin.

Hindi pa tayo tapos mag usap Prince. Tawag ni papa.

Hindi ako pupunta sa opisina mo papa. Matigas ang pagkakasabi ko.

Pero hindi ako lumingon....

Pagsabihan mo yang anak mo Lorenzo. Narinig kong sabi niya.

Pagkasara ko ng pinto. Saglit akong sumandal dito at pumikit.

Naamoy kaysa naramdaman ko ang pagdating ni Marie. Kilala ko ang pabango niya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

Parang pinapayapa ang kalooban ko.

Nilingon ko siya. Nginitian niya ako.

At nalulunod ako sa mga mata niya.

Hindi ako nakapag pigil.

Isinandal ko siya sa pinto ng library.

Hinawakan ang mukha at hinalikan.

Ayoko ng matapos iyon pero naramdaman kong bahagya niya akong itinulak. Dumilat at ako tinitigan siya. Nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Pinahid ko iyon.
Im sorry. Tangi kong nasabi sa kanya.

Ngumiti siya ng pilit at hinawakan ang pisngi ko.

Tapos tumalikod na siya at naunang umakyat sa taas, diretso sa kwarto niya.

i fell in love with my brother's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon