01

63 17 10
                                    

01

"Gusto kong sa susunod ay hindi na kita makita rito!" malakas ang naging sigaw ni auntie habang hinihila ang mahaba kong buhok. "napaka bastos at napakatamad mong bata ka! Saan ka ba pinulot ng punyetang mga magulang mo ha?" dagdag pa nya at dinamay pa ang mga magulang ko.

"Ma! Tama na yan." malakas na sigaw ng pinsan kong babae.

"Ano ba! Sinabi ko nang doon ka muna sa kwarto mo, Agatha."

Walang nagawa si Agatha kung hindi ang pumasok sa kwarto nya.

Hindi ko rin naman alam kung bakit ganito ang trato ni Auntie sa akin samantalang halos buong buhay ko ay ang pera ni Papa ang bumubuhay sa kanila.

"Papasok na po ako." paalam ko habang pinupuyod ang buhok ko. Paglabas ng pinto ng bahay ay isa sa mga nakagiginhawang kilos na gusto ko. Labas sa problema.

Maraming tao ngayon kumpara sa dating nakasanayan. Dati raw kasi ay masyadong tahimik ang mga daan dahil sa ayaw ng magkakapatid na Altavista non, ang pamilyang iyon ang pinakatahimik at pinakamapayapang pamilya kumpara sa mga laging nagbabangayang pamilya sa bansa.

Ngunit kahit ganon ay hindi ko pa rin kilala ang magkakapatid na iyon. Mailap sila sa mga tao, lalo na raw ang kambal.

Pangalan lang nila ang tanging alam ko kahit parehas kami ng paaralang pinapasukan.

"Palakang blue!" malakas na sigaw ko.

"Sorry, miss."

"Aba! Hindi naman kita inaano nambabatok ka?" tumawa sya ng malakas dahil sa hindi ko alam. "may tulok ka ba?"

"Wala, akala ko lang ikaw kasi yung kaibigan ko, kaya kita binatukan." inilahad pa nya ang kamay nya. "Aer." hangin? "Aer and pangalan ko."

"Ako si Earth." pakikisabay ko sa trip nya. He laughed again. Seryoso?

"Yung totoo kasi. Caliks Aeris ang pangalan ko."

"Taka, Yeona Takara."

"Nice to meet-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang may tumawag sa kanya.

"Caliks! Babaero mo ungas!" sabi nung lalaki tsaka tumawa yung isang babae. There's a girl beside the other girl who exactly look like Aer, maybe siblings.

"Hindi tanga! Bat nyo kasama kakambal ko? Nagpaalam ba yan? Nakalayo kayo ah!" balik na sigaw ng lalaking nasa harap ko.

"Nagpaalam ako, hinahanap ka sa akin ni Kuya. Umalis ka raw, akala nya raw ay nag layas ka dahil sa nangyari kagabi." mahinhin ang sabi ng babaeng kamukha ni Aer, they are twins and she's gorgeous as hell.

"Nakakatampo kaya!" bumaling sya sa akin tsaka ngumiti, ang ngiting kahit sino ay mahuhulog. "Alis na ako, sa susunod ulit." tumango ako tsaka ngumiti sa kanya.

Pumasok agad ako sa gate ng maliit ng college university. Puro scholar ang nandito kumpara sa malaking paaralan ng mga mayayaman sa bayan. Baka roon sila nag aaral, pakiramdam ko rin ay mas matanda sa akin ang lalaking iyon.

"Miss Nishimura, answer the equation on the board." mabilis ang naging pagtayo ko, hindi pa man din ako nakikinig ngunit pakiramdam ko ay mali na ang equation na binigay.

Bahala na.

'Bakit mo iniba?' dinig kong tanong ni Ava.

'Pabibo na naman ah.' dinig na dinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko habang sinasagutan pa rin ang equation na hindi inangalan ng professor dahil iniba ko.

"Bakit hindi nyo sagutin nang malaman nyo yung mali?" napatingin ako sa iritadong nagsalita.

"Bobo yang kaibigan mo Shan!" tumatawang sambit ni Luiz na agad namang nagawaran ng malakas at magkabilaang sampal, sana. Kung hindi ko lang napigilan si Shan ay nasa guidance office na naman kami. Lalo pa't mayroon ang professor.

My Last Attraction (DOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon