07
"First month ni Dayane ngayon, di'mo ba sya bibisitahin?" tanong ko sa lalaking nakahiga pa'rin sa kama nya.
Nang maimulat nya ang mga mata ay agad siyang napamulagat dahil alam kong hindi niya naalala. Buti na lang at hindi ko dala ang kalendaryo ko at naihampas ko na sa kanya.
I even heard him saying: "Sorry, Dayane!"
I smiled at what he is doing.
And I smiled at what I am doing. Supporting him, not being jealous.
Masaya akong natanggap na si Dayane ang mahal niya. That it was all because we are just friends.
He love Dayane so much. And I'm happy that I didn't met him on his playing stage. Where he used to be a player.
I don't want to meet him that way.
"Kuya Sam." tawag ko sa kaniya nang makarating sa bahay nila.
Wala akong trabaho ngayon dahil kasama ni kuya Creios si Cailer at nasa sementeryo si Caliks. Visiting his girlfriend.
Nakita ko ang gulat sa mukha nya dahil alam nyang may trabaho ako ngayon, kung wala ay nasa school ako. Pero walang pasok ngayon, at walang trabaho kaya iistorbohin ko na lang sya since alam kong may date na naman si Shan at Kyle.
"Taka, bakit ka nandito?"
Hindi ka masayang makita ako?
"Kasi wala ako doon." inirapan ko sya.
Tumawa sya bago ginulo ang buhok ko. Wala naman akong nagawa dahil na miss ko rin iyon.
"Date tayo?" nakangiting tanong ko na nakapagpapula sa buong mukha nya.
Anong masama sa sinabi ko?
"Huwag ka kiligin, di tayo talo." natatawang sambit ko bago sya pinalo ng malakas sa braso.
"Ang pangit mo ka bonding." mahinang sabi nya na agad kong tinawanan.
Kuya Sam would tease me everytime but I can tease him back, lalo na sa ex nyang pinaglihi sa monggo.
"Palit ka na, babe. Para makaalis na tayo." pang aasar ko na agad nya lang sinamaan ng tingin.
Kuya Sam is a boyfriend material, hindi naman magkalayo ang edad naming dalawa kaya kapag ako ang kasama nya at may gustong manantsing sa akin ay nagpapanggap syang boyfriend ko para mabakuran.
Because he knows that I am traumatized.
Kung tutuusin nga ay sya ang naging magulang ko noong pagbuhatan ako ni Papa. He tried to take me out of Papa's house so he can make me safe.
Saka lang ako napalapit kay Shan noong ipinakilala na sya sa akin ni Kuya Sam.
"Ready na ako, babe. Tara na." pag sakay nya sa mga biro ko.
Nagkatitigan kami tsaka sabay na nagtawanan sa ginagawa. I would tease him and will tease me too.
Natawa pa ako nang pabiro nyang ikumpas ang kamay nya na parang may tinatawag.
"Manang, pakikuha ang susi ng Lamborghini ko at may date kami ng pinakamamahal kong si Takara." natawa ako dahil sa kahanginan nya.
"Eto na po mahal na punyeta." natatawang sambit ni Tita sakanya.
"Ma naman!" angal nya dahil doon.
Nang makalabas ay nagkatinginan kami.
"Tara na't mag commute." sabay na sabi namin bago patalon talon na humakbang papunta sa istasyon ng jeep.
BINABASA MO ANG
My Last Attraction (DOS)
RomanceALTAVISTA TWINS #2: Caliks Aeris Altavista. Past, Thunder, and Misery. Started: August 18, 2021 Completed: December 16, 2021