Rhysand POV
Busangot ang mukhang salubong sa akin ni Sawyer, isang kaibigan dito sa probinsya.
"Ano na naman bang kailangan mo?" halatang inis na tanong nito. Ngumisi ako kaya lalong sumama ang mukha nito.
"Come on, bro! Parang hindi mo naman alam kung anong gusto ko." sagot ko at mas lalong nilakihan ang ngisi.
"Sabing hindi nga ako sasama sa'yo, baka kung ano pang mangyari kung pupunta tayo doon!" pag-uulit nito sa sinabing rason kahapon. Hilig ko ang pagvvlog at kahapon naisipan kong yayain ang mga kaibigan ko na pumunta sa malaking gubat na dulo nitong probinsya.
"Pag-isipan mo muna, bro. Si Lorcán, ang Kuya mo, sasama rin siya." sabi ko.
"Impossible, hindi sasama 'yon, kumpara sa aming dalawa, si Kuya ang mas nakakapag-isip sa amin ng maayos." seryosong sabi nito ngunit halata naman sa mukha ang pagtataka.
"Seryoso nga, kahit tanungin mo pa. Boring na boring na siguro ang Kuya kaya... Pumayag na!" bumuntong hininga naman ang kaibigan bago lumabas ngunit tumigil ito sa harap ng pintuan at walang ganang lumingon sa akin.
"Sige, sasama ako." aniya bago tuluyang lumabas at hindi na ako hinintay pang magsalita.
I smiled widely.
"Papayag din naman pala, nagpapilit pa ang loko." ngiting waging sabi ko.
Ang totoo niyan, noong una hindi naman talaga ako mahilig sa pagvivideo na 'yan, ginawa ko lamang na libangan ang pagvivideo simula nang lumipat kami dito sa probinsya ng tirahan. Dati kaming taga Maynila, noong tumakbong Mayor ang aking ama dito sa probinsya, kinakailangan naming pumunta dito at suportahan ang aking ama sa pangangampanya para sa eleksyon. Hanggang sa nagtagal ay naging hilig ko na ang pagvvlog. Ilang taon na rin simula nong lumipat kami at nagustuhan ko na naman ang pagtira dito. Tahimik at wala masyadong gulong nagaganap. Naging mahusay na Mayor ang aking ama kaya sa lahat ng tao ay siya ang aking pinaka iniidolo at hinahangaan. Hindi rin siya naging pabayang ama sa akin, nag-iisa akong anak kaya medyo sunod sa luho. Isang simpleng may bahay ang aking ina, dati itong manager ng hotel sa Maynila kaya lang ay mas pinili niyang sumama sa amin dito sa probinsya at manatili na lamang sa bahay.
Maaga akong gumising kinabukasan. Ilang oras na paghahanda lang ang ginawa ko bago pumasok sa school. Pagkapasok ko sa classroom, as usual ako na naman ang pinakamaaga sa aming magkakabarkada. Ilang minuto kong binabad ang aking sarili sa pagcecellphone bago dumating si Maevel at Aillard.
"Bro, kanina ka pa?" salubong na tanong ni Aillard.
"Oo, ang tagal niyo nga!" sagot ko. Umupo naman si Maevel sa katabing upuan ko at si Aillard sa unahan ko. Nilingon nilang dalawa ako.
"Tungkol nga pala sa pagpunta natin sa dulo, isang oras ang pagpunta don, kaninong sasakyan ang gagamitin natin?" tanong ni Maevel.
"Isang oras? Malayo rin pala 'yon, sigurado kana ba don, Rhys?" si Aillard naman.
"Oo nga, nahiram ko na rin kay Dad 'yong Fortuner kaya wala na tayong poproblemahin pa sa sasakyan." sagot ko. Bumuntong hininga si Maevel at ang Aillard naman ay sandaling nag-isip.
"Pero kasi..." mahinang saad ni Aillard. Pareho kaming tumingin ni Maevel dito.
"Oh? Bakit?" seryosong tanong ko.
"Ang sabi sa akin ni Lolo, maraming mga matatapang at mapanganib na hayop sa dulong gubat. Hindi ba kayo natatakot? Baka mapano tayo don!" seryoso ang pagkakasabi niya kaya bahagya rin akong napaisip.
"Oo nga, bro. Ganoon rin ang sabi sa akin ng matandang kapitbahay namin. Kung huwag nalang kaya tayo doon pumunta? Sa ibang lugar nalang!" mahabang saad naman ni Maevel.

BINABASA MO ANG
A Missing Part
Short StoryIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...