CHAPTER TEN

17 1 0
                                    

Elias's POV

Inantay kong mawala sa paningin ang lalaki bago bumalik sa gubat. Sa paglalakad ay hindi ko maiwasang maisip ang sitwasyon. Bago ko pa man kausapin ang lalaki ay buo na ang isip kong hindi sumama.

Inaamin kong marami akong kasalanan, kasama na rin sila Papa at Auntie. Tulad nga ng sabi ko, hindi pa ako handang harapin ang aking kaparusahan. Pero si Kelaya at Lacuna ay biktima lamang ng kahibangan ni Auntie at Papa... Kahit wala akong ginagawa o pinapatay... Sa katotohanan na alam ko ang ginagawa nila at kahit mag sumbong sa nakatataas ay hindi ko magawa kahit na kayang kaya kong gawain ang simpleng bagay na iyon ay sapat na para  tawagin akong makasalanan.

Kapag naitakas ko na ang magkapatid... Saka ako maglalakas ng loob na sumuko at aminin ang mga ginagawa ni Papa at Auntie. At kasama ako.

Sa tuwing makikita ko ang babaeng pumatay sa aking ina ay bumabalik ang lahat. Ang galit, poot at hinagpis ang bumabalot sa akin. Maayos man ang tungo ko kay Auntie pero iba ang totoong nasa isip ko. Minsan iniisip ko na gawin sa babae ang ginawa niya kay Mama pero alam ko... Na mali iyon at ayokong tularan ang babaeng pumatay sa aking ina. Hindi ako mamamatay tao.

Sa aking pagbalik sa mansion una kong kakausapin si Kelaya bago si Lacuna.

Ngayon na alam na ni Kelaya ang nangyayari, sa tingin ko ay hindi na ako mahihirapan sa kanilang dalawa. Ngunit hindi ko inaasahan na alam ni Lacuna ang tungkol sa bagay na iyon.

Iyon ba ang rason kung bakit ito nagbago? Maaaring oo, possible na iyon nga ang dahilan. At naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang galit ng babae sa amin. Matagal na niyang alam at hindi ko manlang napansin! Ni hindi ko manlang naisip na possible iyon!

Buong akala ko ang dahilan ng pagtatalo nila ay maliit na bagay lang, na pinapalaki nila para magka sigawan at magka sakitan.

Ang galit ni Lacuna sa amin ay walang kapantay, lalong lalo na sa sariling ina nito.

"Bakit ba pinipilit niyo akong pakainin sa baba?" tanong ni Lacuna, isang araw nang sinamahan ko sina Papa at Auntie na pumunta sa kwarto ni Lacuna.

"Sasabay ka lang sa amin, Lacuna! Mahirap bang gawin 'yon?!" galit na anas ni Auntie.

Magkalapit si Papa at Auntie na nakaharap kay Lacuna na prenteng nakaupo at naka patong pa ang dalawang paa sa maliit na lamesa, na nasa pagitan ng nag-uusap.

Samantalang nasa likod ako ng dalawa at nakaabang.

"Ganoon ba ako ka-importante para pilitin niyo na makasabay sa pagkain?" aniya.

"Hinahanap ka rin ng kapatid mo," singit ko sa usapan.

Sa akin bumaling si Lacuna at maya maya'y ngumisi ito.

"Sabihin mo nasa kwarto lang ako, hindi niya ba alam?"

"At bakit niya naman ako hahanapin? Sa pagkakatanda ko hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa... "

".... Hindi ko nga tinuturing na kapatid ang babaeng 'yon—"

"Lacuna!" parang kulog na sigaw ni Auntie. Galit na galit niyang dinuro si Lacuna.

Naalarma ako at kinabahan sa maaaring mangyari.

"Ano klaseng tao ka?! Paano mo nasasabi iyan, Lacuna?!"

"Hmmm...." umarte ang babae na nag-iisip. Kalmado at hindi natakot o nagulat manlang sa lakas ng boses ng ina nito. "Walang galang na tao?" pagkatapos ay humalakhak ito na parang may nakakatawa sa sagot niya.

"You!" nauubos na sabi ni Auntie.

"Lacuna, don't laugh. You'll triggered your Mom." sabat ni Papa. Napatingin ako rito.

A Missing PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon