CHAPTER NINE

15 1 0
                                        

Sawyer's POV

Nakatayo ako sa bukana ng gubat. Tuwing walang klase ay nakagawian ko na ang pagpunta rito, hindi ko alam ang dahilan pero may parte sa loob ko na gustong pumunta rito.

Madalas ay hapon ako pumupunta. Minsan na lang din ako sumama kay Kuya at sa mga kaibigan na mag basketball. Sa ngayon gusto ko munang tumambay dito at mag isip-isip.

Nakaupo at medyo nakasandal ako sa motor, nakaharap sa bukana ng gubat at tahimik lang na nakatingin. Sa madalas na pagpunta ko rito ay minsan na rin akong nakakakita ng mga dumadaan na tricycle.

Sa totoo lang, naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko. Kahit ilang beses kong itanggi sa sarili, mukhang tinamaan nga talaga ako sa babae. Kaya ngayon, muli akong nagbabaka sakali na makikita ko ang babae.

Noong nakaraan ay mag-isa akong pumunta hanggang sa gitna ng gubat para makita ang babae ngunit walang bakas o anino ng babae ang aking nakita.

Nanatili pa ako ng ilang sandali bago magpasyang umalis. Kinuha ko ang helmet at isinuot.

Hindi pa man nakakaalis ay isang pigura ng lalaki ang gumalaw sa likod ng puno. Hindi kalayuan ang pwesto ko sa gubat kaya alam kong may tao at lalaki iyon.

Nasisiguro kong sa'kin nakatingin ang lalaki base na rin sa tindig nito at anggulo ng mukha.

Tinanggal ko ang suot na helmet. Hindi alam ang sunod na gagawin, mabagal akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalaki. Mukhang naghihintay din ang lalaki na makalapit ako. Lito ako ngunit nagpatuloy pa rin.

Tumigil ako nang isang dangkal na ang pagitan namin. Mas matangkad at mas malaki ang katawan ng lalaki kaysa sa akin. Mas matanda rin ang itsura nito at kung ikukumpara ang kaharap ay parang kasing tanda ito ni Kuya Ledger.

Nagtataka kong tiningnan ang lalaki. "Uh..." anas ko. ".... anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaki.

Mariin ang tingin nito sa akin. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik na tanong nito.

Kumunot ang noo ko at nairita sa tingin ng lalaki. "Tumambay lang. Ikaw?" ulit ko.

"You're kidding." natatawang anas ng lalaki. Lalo akong nairita dahil wala namang nakakatawa. "Dito? Ikaw lang ang nakita kong gusto tumambay dito." aniya. Natatawa pa rin.

"Bakit, bawal ba?" iritadong tanong ko.

"Hmm, hindi naman. Medyo naiibahan lang." aniya.

"Lagi kang tumatambay dito?" tanong nito nang wala akong sinabi.

"Kapag walang klase at... Medyo naiinip lang."

"Ah. Estudyante. Taga saan ka ba?"

"Sa bayan,"

"Oh? Ang layo no'n, ah?"

"May motor naman ako. Ikaw, taga saan ka?" tanong ko.

Natigilan ang lalaki.

"A-Ah dito lang," sagot nito.

"Saan dito?"

Nakita ko ang paglunok ng lalaki bago tumungo. Ako naman ay nanatiling nakatingin at nagtataka sa lalaki at nag-iintay ng sagot.

"Mapag kakatiwalaan ka ba?" tanong nito na nakapag pagulat sa akin.

"Huh?"

"Sa totoo niyan, matagal na kitang nakikita rito. Hindi ko alam ang dahilan mo at hindi rin naman ako naniniwala na pumupunta ka rito para lang tumambay."

My brows furrowed at his long statement.

"Tama ka. Hindi lang ako tumatambay dito." amin ko.

"Alam ko. Kaya nga gusto kitang tanungin. Anong ginagawa mo rito?"

A Missing PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon