Kelaya's POV
Mula sa mahimbing na tulog ay nagising ako mula sa ingay na naririnig sa paligid. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa ilalim ng malaking puno. Mula sa pagkakasandal sa puno ay dahan dahan kong inangat ang sarili upang tingnan kung saan nangagaling ang ingay. Tumayo ako at idinungaw ang ulo upang walang makakita sa akin. Itinago ko ang sarili sa takot na may makapansin sa akin.
Limang lalaki ang nakita ko mula sa di kalayuan, kumakain, nag-uusap usap, at paminsan minsang nagtatawanan. Kuryoso ko silang pinagmamasdan, ngayon lang ako nakakita ng ibang tao na napadpad dito sa gubat. Bukod sa aking uncle at mga tagapagbantay sa mansion ay wala na akong ibang nakikita o nakakasalamuhang mga lalaki. Mga mukhang kasing edad ko lamang ang aking nakikita ngayon o di kaya ay matanda lamang sa akin ng ilang taon.
Ilang minuto ko silang pinagmamasdan, kakaiba kumilos ang mga lalaking nakikita ko ngayon, mabibilis kumilos at mukhang malalakas ang katawan kung ikukumpara sa akin. Matangkad ako ngunit mas matangkad sila, maputi ang kulay ng aking balat na animo'y gatas na, hanggang baywang ang aking pino at maiitim na buhok kaya palagi ko itong itinatali.
Ilang oras ko pa silang pinapanood dahil medyo naaliw ako sa kanilang biruan, minsan ay napapatawa rin ako ngunit nag-iingat ako na hindi mapalakas ang aking mumunting tawa dahil baka marinig nila ako. At kung umalis man ako ay talagang makikita nila ako dahil kailangan kong dumaan sa pwesto nila papunta sa mansion.
Nang ilang oras pa ang lumipas ay narinig kong gusto na nilang umalis, naalarma ako sa narinig, kanina habang pinapanood sila ay may pumasok sa isip ko. Gusto kong magpakita sa kanila at magpakilala, nais ko sanang makipagkaibigan sa kanila... Kung papayag sila at kung hindi naman... Ayos lang sa akin.
"Subukan ko lang, kaya mo 'yan, Kelaya." pagkausap ko sa sarili.
Bago pa sila makaalis ay unti unti akong nagpakita sa kanila, sinigurado kong makikita nila ako, lahat sila ay natigilan nang makita ako kaya sinamantala ko na iyon upang makalapit sa kanila. Marahan ang ginawa kong paghakbang papunta sa kinaroroonan ng mga lalaki. Halata sa mga mukha nilang hindi sila makapaniwala sa nakikita, hanggang sa makalapit ako. Walang kumikibo sa mga ito kaya naisipan kong magsalita.
"Uh... Aalis na kayo?" mahinang tanong ko pero sapat na para sa kanila na marinig. Lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin at nang makabawi ay tumingin sila sa isa't isa.
"Nakikita niyo rin ba ang nakikita ko?" tanong noong isang lalaki na may karamihang dala ng gamit. Gusto kong matawa dito.
"Oo... Nakikita ko... Tangina baka pinaglalaruan na tayo ng ibang nilalang..." aniya ng isang lalaki. Napangiti ako.
"Sino ka at bakit ka nandito?" biglang tanong sa akin noong isa pang lalaki. Muling tumingin sa akin ang mga kasama nito. Tinitigan ko muna ang buong mukha nito, may kakaiba sa lalaking ito na wala sa mga kasama, matangos ang ilong, makakapal na kilay na nababagay sa lalaki, kulay abo ang kulay ng mata nito na kung titignan mo ay parang hinihigop ang paningin mo at nagagawang mapatitig ka rito. Napansin ko rin ang paggalaw ng panga nito. Isa isa ko silang nginitian bago magsalita.
"Ako si Kelaya, nandito sa gubat ang bahay ko, dito ako nakatira." maikling sagot ko. Halos lahat sila ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.
"Anong ibig mong sabihin? D-Dito ka nakatira?!" aniya noong lalaking unang nagsalita kanina. Ngumiti ako at tumango.
"Seryoso ka?! Saan dito?!" dagdag noong isang kasama at saka nagpalinga-linga.
"Medyo malapit lang dito, ano nga palang ginagawa niyo dito sa gubat?" tanong ko.
"Paano kami makakasiguro na dito ka talaga nakatira at hindi mo kami sinusundan?" tanong naman noong isa pang lalaki, inignora ang tanong ko. Natigilan ako ngunit nakabawi rin.
BINABASA MO ANG
A Missing Part
ContoIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...