CHAPTER SIX

9 0 0
                                    

Sawyer's POV

"Parang nakita ko na iyong Mommy ni Kelaya... Tsk! hindi ko nga lang alam kung saan." anas ni Rhysand. Ako naman ay nanatili ang tingin sa kung saan nawala ang babae.

"Pero ang ipinagtataka ko... Bakit ganoon na lang magalit at sigawan nito ang anak?" napabaling ako sa kasama, nagtataka rin.

"Hindi ko alam..."

"Bakit ba kasi niyaya mo pa akong bumalik dito, Sawyer? Akala ko ba ayaw mo?" Nag-iwas ako ng tingin at nag-isip isip.

"Hoy sagutin mo nga ako! Tahimik mo diyan?" at dahil malakas ang boses ng kaibigan ay hindi rin ako makapag-isip ng maayos.

"Tumahimik ka nga, nag-iisip ako." naiiritang anas ko. Mula sa aking tabi ay pumunta ito sa harap ko at nanliliit ang mga mata at umastang may iniisip.

"May isip ka pa ba?" seryosong tanong nito. Aasta akong susuntukin ang kaibigan ngunit umilag ito at tumawa ng malakas.

"Biro lang! Ito naman masyadong seryoso," at muli na namang itong tumawa.

"Sa susunod hindi na talaga ako sasama sayo, tara na nga!" nagpatiuna akong maglakad at sumunod naman si Rhysand.

Dumiretso ako sa kwarto nang makarating sa bahay at naligo. Naabutan kong nag-aaral si Kuya sa sala, doon ako dumiretso at naupo sa tabi nito. Nilingon ako ni Kuya, may suot ito ngayong salamin sa mata.

"Ba't ngayon ka lang? Saan ka galing?" tanong nito. Tamad akong sumandal sa couch, iniligpit ni Kuya ang kaniyang mga gamit at nilingonan ako.

"Pumunta kami ni Rhysand sa gubat,"

"Oh? Sino namang pinuntahan niyo roon?" nakangisi nitong tanong. Alam kong lolokohin lang ako nito kahit hindi ko sabihin ang dahilan ng pagpunta ko sa gubat.

"Wala,"

"Pinuntahan niyo iyong babae? Sana sinama niyo ako," bumaling ako sa kapatid, naiirita.

"Bakit kailangang kasama ka pa?"

"Oh! Easy, ito naman, eh bakit nga pinuntahan niyo iyong babae sa gubat? Akala ko ba hindi mo type iyon?" nanunuya ang boses nito.

"Kuryoso lang ako,"

"Sus! Ayaw mo pang umamin, kilala kita alam ko kung gusto mo ang isang tao o hindi."

"Alam mo na naman pala, eh? Bakit nagtatanong ka pa?" umiwas ako ng tingin sa kapatid. Mukhang nagulat ito ngunit nakabawi rin.

"So gusto mo? Sayang tipo ko pa naman HAHAHAHAHA"

"Don't worry, bro. Hindi kita aagawan," anas nito, "Marami pa akong iba," dagdag nito at sinikop na ang mga gamit sa lamesa at nagtungo sa kwarto. Nagkibit balikat na lang ako at sandali pang inalala ang nangyari kanina.

Inaamin kong natuwa ako nang muling makita ang babae ngunit hindi ko makakalimutan ang taranta at takot sa kaniyang mga mata. Kung iisipin wala namang nakakagalit sa pakikipagkilala namin sa anak ng babae. Ipinagtataka ko rin bakit parang iba ang naging pakiramdam ko kanina habang pinagmamasdan ang ina ni Kelaya, ang mga mata nito ay nagiging malikot at parang hindi mapakali at sa paraan ng pagtitig nito sa amin ay kakaiba, para bang halo halong emosyon ang ipinapakita nito at ang tinig naman ng babae ay puno ng galit.

At muling bumalik ang isip ko sa anak nito na si Kelaya, kung talaga ngang ina niya ito ay bakit hindi ko ramdam na ganoon nga. Base sa naobserbahan ko kanina, mukhang nagulat pa sila na makakita ng ibang tao sa gubat, kung ganun, sila lang ang bukod tanging naninirahan sa makapal na gubat na iyon. At muli na namang napadpad ang aking isip sa babae, sigurado akong pinagalitan iyon, pero ang magalit na ganoon kalala ay hindi sapat na rason dahil lamang sa nakipagkilala ito sa amin. Sa tingin ko ay may iba o malalim pang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit sa amin ng babae.

A Missing PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon