Kelaya's POV
"Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Kuya Elias, pumunta ang lalaki sa kwarto ko at tinanong ako kung ba't hindi ako bumaba para kumain.
"Hmm," tumango ako bilang sagot, "Mamaya na lang siguro kung sakaling magutom ako." dagdag ko nang hindi siya tinitingnan.
Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan nito bago nagkibit balikat na umalis.
Halos dalawang oras na akong tulala at nakatitig lang sa kawalan. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari, ayon na rin sa narinig. Hindi ko matanggap ang katotohanan na mamamatay tao ang sariling ina, kahit na sa isang lugar lang ako lumaki at inosente ako sa mga bagay ay alam kong mali pa rin ang pumatay.
Anong dapat kong gawin? Ang magkunwari na walang narinig at walang alam sa mga nangyayari o ang kausapin ang ina tungkol sa bagay na iyon.
Isa pang pinagtataka ko ay bakit inilihim nila sa akin na tunay na anak pala ni Uncle si Kuya Elias, may dahilan kung ba't hindi nila sinasabi sa'kin ang tungkol doon, maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan at natatakot akong kapag naghanap ako ng kasagutan sa mga ito ay siya namang ikapapahamak ko.
Anong rason kung bakit ginawa iyon ni Mommy? Bakit niya pinatay si Ate Tessa, walang ibang ginawa na masama sa amin si Ate Tessa mabait pa nga ito kung tutuusin, bagong katulong namin ang babae pero alam kung mabuti itong tao kaya hindi ko lubos maisip na may gagawang masama sa kaniya, at higit sa lahat, si Mommy ang may gawa niyon.
Ilang taon kong kasama si Mommy, Uncle at Kuya Elias, buong buhay ko sila ang palagi kong nakakasama na akala ko ay kilala ko na sila, na wala silang ibang nililihim sa akin, akala ko maliban lang sa sakit ng ina ang pilit nilang tinatago sa akin ngunit mukhang mali ako.
Possible bang ito rin ang dahilan kung bakit papalit palit kami ng katulong? Ganoon din ba ang ginagawa ng ina sa mga katulong namin noon? Possibleng oo o hindi ang sagot ngunit malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ang biglaang pagkawala ng mga ito kay Mommy.
Kapag sinabi ko sa ina ang aking narinig sa kanila ay baka mawala ito sa katinuan at patayin din ako katulad ng ginawa niya kay Ate Tessa.
Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ang lahat ng dahilan, pagkatapos ng lahat ay aalis ako at hihingi ng tulong. Alam kong may iba pang lugar bukod dito, maaari ring humingi ako ng tulong sa mga lalaking napadpad sa gubat. Tama, sana lang ay muli silang bumalik.
Naisipan kong bumaba at harapin ang mga kasama na parang walang narinig, kailangan kong gawin kung hindi ay magtataka sila. Kailangan kong makisama sa kanila habang nagbubuo pa ako ng plano para makaalis sa lugar na ito.
"Mabuti naman at naisipan mong bumaba," bungad sa akin ni Mommy nang bumaba, seryoso itong kumakain at si Uncle naman ay ganoon din.
Tanging ngiti lang ang aking ginawad at naupo na sa tapat ni Uncle.
"Nasaan po ang mga katulong, Uncle, Mommy?" pareho silang natigilan sa tanong ko.
"Bakit mo natanong?" si Uncle ang sumagot, si Mommy naman ay nagkibit balikat lang at nagpatuloy sa pagkain.
Pansin kong may kakaiba dito, pasimple kong tiningnan ang kamay ni Mommy na nanginginig bago ako ngumiti sa kaharap.
"Nakakapagtaka lang po na hindi ko sila nakikita, Uncle."
"Ah... About that, hindi na sila dito magtatrabaho,"
"Oh? Like usual po?" hindi ko alam kung iba ang pagkakaintindi nila sa sinabi ko at parang pareho silang natigilan.
So... Both of you did something, huh?
"Y-Yeah," anas ni Uncle at napainom ito ng tubig.
Katahimikan ang namayani pagkatapos, ako naman ay wala ng balak pa na magsalita o muling magtanong sa mga ito. Siguro ay tama na muna ito ngayon.

BINABASA MO ANG
A Missing Part
Cerita PendekIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...