Kelaya's POV
Napabalikwas ako sa mula sa aking kama, lito at gulat ang mababasang emosyon sa aking mukha, ipinalibot ko ang paningin sa paligid at napagtantong nasa sariling silid ako. Hinawakan ko ang sariling mukha at pinahid ang luhang nasa pisngi. Agad akong bumaba sa kama at mabilis na naglakad papunta sa pinto at binuksan ito. Natatandaan ko ang nangyari kagabi, hindi ako pwedeng magkamali pero bakit wala manlang bakas ng dugo sa sahig, tiningnan ko rin ang suot kong damit pero maayos at malinis ito. Panaginip lang ba iyon? Nanghihina akong bumalik sa loob ng kwarto. Siguro nga ay panaginip lang lahat nang iyon.
"Kagigising mo lang, Kelaya?" napapitlag ako sa gulat nang biglang nagsalita si Uncle, hindi ko manlang namalayan na nakapasok na pala ito. Tiningnan nito ang ekspresyon ko siguro ay nagtataka sa pagkagulat ko.
"Bakit mukhang gulat na gulat ka?" ani Uncle.
"Uh... Hindi ko po kasi kayo naramdamang pumasok... At may iniisip lang po ako." sagot ko.
"Hmm... Nagtaka lang kasi ako at hindi ka pa bumababa para mag-almusal, mga ganitong oras ay nakaligo at nakakain kana, wala ka bang balak pumasyal ngayon sa gubat?" saad ni Uncle at lumapit ito sa malapit sa bintana.
Mukhang nawala nga sa isip ko ang pagpunta sa gubat dahil sa panaginip. Hindi ko pa nakakalimutan ang masamang panaginip at sa tingin ko ay nawalan ako ng gana na magpunta sa gubat, pero paano kung... Bumalik ulit sila ngayon...
"Mukhang malalim ngang talaga ang iniisip mo ngayon, Kelaya." seryosong boses ni Uncle ang aking narinig. Napalingon ako dito at kumurap ng dalawang beses.
"A-Ano pong sinabi niyo? Sorry, medyo masama po kasi ang pakiramdam ko ngayon." palusot ko. Mukha namang nakumbinsi ko ito at agad itong lumapit sa akin at dinampi ang kamay mula sa aking noo.
"Magpahinga ka at 'wag kana munang aalis, sasabihan ko ang mga katulong na dalhan ka dito ng pagkain at maiinom na gamot." ani Uncle, tipid akong ngumiti at pagkatapos ay lumabas na ito.
Bukas na lang ako siguro ako pupunta, hindi rin naman ako siguradong pupunta ang mga iyon ngayon sa gubat. Hinatidan ako ng pagkain at gamot gaya nga ng sinabi ni Uncle. Hindi ako ininom ang gamot dahil hindi naman totong masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa banyo at naligo.
I wear a white longish dress as I comb my hair in front of the mirror. Mahaba na ang itim at makapal kong buhok kaya medyo nahihirapan na ako sa pagsusuklay. Pinagmasdan kong mabuti ang sarili sa salamin, walang kahit na anong kolorete akong inilalagay sa mukha, ang medyo makapal na kilay at pilik mata ay bumagay sa magandang hugis kong mukha, ang matangos na ilong at ang kulay hugis puso kong labi ay lalong nagpaganda sa akin.
Nang maboring ako sa kwarto ay bumababa ako sa unang palapag at pumunta kung saan ang kwarto ni Ate Lucy, wala namang masama kung manigurado ako na wala ngang nangyaring masama sa kaniya. Dumiretso ako sa isang maliit na hallway ng mansion at nagtungo papunta sa kwarto ng katulong. Nang nasa tapat na ng pintuan ay akmang kakatok na ako ng marinig ko ang boses ng ina mula sa hindi kalayuan.
"What are you doing here, Kelaya" may kung ano sa boses nitong nakapagpatindig ng balahibo ko at sa hindi malamang dahilan. Ibinaba ko ang isang kamay at humarap sa ina na ngayon ay naglalakad palapit sa akin.
"U-Uh... I just wondering if Ate Lucy was fine, Mom..." sagot ko. Sumulyap si Mommy dito at ibinalik sa akin ang tingin.
"Of course your Ate Lucy was doing fine, Kelaya. By the way I heard from your Uncle that you're not feeling well. Are you okay now?"
"I'm okay now, Mom. Uh... Let's go—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ate Lucy at nagugulat ang mukhang salubong nito sa amin. Pati ako ay nagulat ngunit agad ring nakabawi.

BINABASA MO ANG
A Missing Part
Historia CortaIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...