V:06 Memo

145 12 0
                                    

Synthesis




V:06



Memo
Let it settle in
Don't feel the sorrow
It will always drown you
But you will



Althea's PoV


Napangiti ako pagkabasa sa message na ni-reply sa'kin ni Jade habang nakaupo siya sa kaniyang mesa at patagong gumagamit ng cellphone gaya ko.


     Tumigil ka na sa kase-send ng kung anu-ano!


     'Yon ang nilalaman ng text niyang may exclamation point pa sa huli, inis na inis na yata siya at sa text na lang idinaan ang kagustuhang sigawan ako.


     Kalahating oras pa kasi ang natitira bago matapos ang klase niya sa amin pero ginugulo ko na siya sa pamamagitan ng pagse-send ng kung anu-anong mga message kagaya ng mga jokes o di kaya'y memes.


     Tumingin ako sa kaniyang kinaroroonan at nang magtama ang aming mga mata'y kinindatan ko ito na ikina-pula ng mga pisngi niya. Buti na lang hindi napansin ng mga kaklase ko ang ginawa ko sapagkat busy ang mga ito sa pagsagot ng kani-kanilang mga questionnaire. Naglo-longtest kasi kami ngunit kanina ko pa natapos ang sa'kin. Himala nga eh dahil hindi man lang ako nahirapang sagutin ang mga question kaya wala pang twenty minutes tapos na ako.


     Nakatingin pa rin ako sa ngayo'y nakayuko nang si Jade nang bigla akong makadama ng paniniko sa aking bandang tagiliran. Agad kong pinaningkitan ang may gawa no'n na siyang seatmate ko dito sa huling row, si Batchi.


     "Tapos ka na ba, ba't text ka na ng text diyan? Baka makita ka ni Ms. Tanchingco at kunin 'yang cellphone mo."


     Ba't niya kukunin 'to eh siya naman ang ka-text ko? Tahimik kong tanong at hindi isinatinig iyon. Kapag nalaman kasi nitong si Jade ang ka-text ko eh baka mapasigaw siya, mabubulahaw pa ang mga kaklase naming nananahimik.


     "Hoy ano na?"


     Hay ang kulit! Nag-send muna ako ng huling message sa teacher naming maganda na nagsasabing susunduin ko siya mamaya dito saka naiinis na itinago ang aking cellphone. Padabog ko ring dinampot ang ballpen kong nagpapahinga na at sinasagot-sagot ang test paper kahit isandaang beses ko nang paulit-ulit na binasa ang question numero uno. 'Di na rin ako ginulo ni Batchi, bumalik na kasi ito sa pagsasagot ng kaniyang questionnaire.







     "Ano ba? Althea, tigilan mo nga muna 'yan!"


     Tinanggal ni love-love ang mga braso kong nakapulupot sa kaniyang bewang at ipinagpatuloy ang pagliligpit sa mga gamit niya. Tinulungan ko na rin ito, kanina pa kasi dapat ito nakatapos kung hindi ko lang siya kinukulit.


     "Ako na'ng magbibitbit niyan." Sabi ko nang matapos kami at kinuha ang mga gamit niya para bitbitin patungo sa kotse ko. Sa akin kasi siya sasakay patungong kama— ay, sa bahay pala nila kami tutungo.


     Agad namang binuksan ni Jade ang pinto sa may likod nang marating na namin ang kinaroroonan ng aking kotse dahil nasa kaniya ang susi.


     "Hindi ka pa pala nakakauwi Ms. Tanchingco?"


     Makaraan ang ilang saglit, may nagtanong no'n mula sa aming likuran habang busy kami sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng kotse. Buti na lang din hindi pa ako nakakapasok dahil baka kung ano na ang isipin ni . . . Actually, hindi ko alam kung sino 'yang teacher na 'yan na patungo ng kanilang faculty room ngunit tumigil muna nang makita si Jade.


SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon