III:02 Waiting Shed

236 11 0
                                        

Synthesis




III:02



Waiting Shed
Nasan ka na?
Ika'y nagtatago lang ba
Walang galawan ako'y nandito lang
Naghihintay
Aasa
Maniniwala


Jade's PoV


     Itinuro ko kay Althea ang daan patungong bahay habang nakasakay kaming dalawa sa kotse niya. Pumayag na lang kasi akong maihatid niya dahil na rin sa ginawa niyang pangungulit sa akin kanina habang nasa parking lot kami ng mall.


     Ngunit napansin ko ang pagdaan ng panandaliang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kalsada.


     "What's the matter, Althea?" Tanong ko.


     Sandali siyang tumingin sa akin saka muling ibinalik ang paningin sa daan habang patuloy sa pagmamaneho. "Wala, Jade." Nakailing nitong sabi.


     Hinayaan ko na lang siya sa kaniyang sinagot. Baka nga siguro wala lang 'yon. O baka naman ganoon lang talaga ka-seryoso ang mukha niya habang nagmamaneho.


     Itinuon ko na lang ang aking paningin sa labas ng kotse. Ngunit agad pumasok sa isipan ko si David at ang pagkakahuli ko sa kaniya habang kasama ang babae niya.


     Kinapa ko ang aking kaliwang dibdib upang pakinggan ang tibok ng aking puso. Saglit ko itong pinakiramdaman bago ipinagtaka ang paraan ng pagpintig nito. Wala na kasi akong makapang galit o kahit anong hinanakit para kay David. Tila naglaho na parang bula ang mga sama ng loob na idinulot ng paghihiwalay namin ng gano'n kabilis.


     Pakiramdam ko nga parang nakahinga pa ako ng maluwag sa totoo lang.


     Ewan ko ba. Nagtataka lang talaga ako. Kasi sa pagkakaalam ko, 'pag kaka-break up lang ng isang tao sa mahal nito, dapat iyak nang iyak lang ang magagawa niya sa kasalukuyan.


     Baka hindi mo lang talaga mahal 'yong tao. Bulong ng isip ko.


     Napaisip ako. Siguro nga. But I thought mahal ko siya eh. At mahal din ako ni David. Buong akala ko nagmamahalan kaming dalawa. Ngunit hindi pala. Marahil infatuation lang ang aking nararamdaman para sa kaniya dahil crush ko na siya noong mga college students pa lamang kami.


     Sobra pa nga akong kinilig when he asked me out on a date one day. Then, nagpaalam siya kay mommy at dada na aakyat ng ligaw sa akin. Sinagot ko rin siya after a month hanggang sa umabot ng limang taon ang aming relasyon.


     Limang taong relasyon na sinayang lang niya.


     Ipinilig ko ang aking ulo.


     "Okay ka lang ba Jade?" Napatingin ako kay Althea nang marinig ko itong nagtanong. Siguro napansin nito ang ginawa ko.


     "Yes. Thanks for asking kahit ilang beses mo nang tinanong 'yon sa akin ngayong araw." Nakangiti kong sagot.


     Namula ang kaniyang mga pisngi. "Ay, gano'n ba? Pasensya na." Nakakamot sa ulo nitong saad. "At saka nandito na yata tayo, tama ba ang address na hinintuan ko?"


     Tumingin ako sa labas ng kotse after niyang sabihin iyon. Saka ko lang napansing tumigil na pala ang sasakyan ng hindi ko namamalayan at nasa harap na rin kami ng bahay ko. "This is our house. Gusto mo bang pumasok muna?" Tanong ko habang inaabot ang mga gamit kong nakalagay sa may likurang upuan ng kotse.


     "Huwag na, nakakahiya eh."


     "Sus, nahiya ka pa. Halika na." Sabi ko saka binuksan na ang pinto sa aking tabi upang makalabas bitbit ang aking mga gamit. Ngunit nagulat ako nang paglabas ko ay nasa harap ko na ito.


     Nahihiya raw eh nauna pang lumabas ng kotse niya kaysa sa akin.


     And take note, ang bilis niya ha.


♡ⓐ


Althea's PoV


     Inilapag ko ang mga gamit ni Jade kung saan niya itinuro sa akin na ilagay ang mga ito pagkapasok namin dito sa loob ng bahay nila. Pilit ko kasing kinuha iyon mula sa kaniya pagkababa ng kotse upang ako na ang magbitbit. Pagkatapos ay nag-inat ako ng mga braso. May kabigatan kasi ang ilang librong hiniram niya sa library base na rin sa nakikita kong kapal ng mga iyon.


     Grabe! Pa'no niya nakayang bitbitin ang mga libro kung wala naman siyang sasakyan kanina?


     Supergirl ang peg ni love-love.


     "Kumain ka muna Althea." Rinig kong sabi ni Jade kaya nilingon ko siya. Nakita kong may bitbit itong isang platito na may tatlong slice ng cake na binili niya sa mall. Wow, tatlo talaga ang ibinigay niya sa'kin. Kinikilig na tinanggap ko iyon mula sa kamay nitong sobrang lambot.


     "I love you too." Sambit ko na ngiting-ngiti pa.


     "What?"


     Nanlalaki ang mga matang nag-iwas ako ng tingin nang ma-realize kung ano'ng sinabi ko. "A-ah, eh, wa-wala Jade. Sabi ko thank you." Nag-iinit ang magkabilang pisnging saad ko saka mabilis na sumubo ng cake.


     "You're cute you know." Nakangisi nitong bulong. Ngunit dinig na dinig ko 'yon kaya lalong uminit ang aking mga pisngi. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kaniya ng diretso. "Dahan-dahan sa pagkain niyan, baka mabulunan ka Althea."


     Dahil sa pagkakasabi niya no'n eh doon ko lang napansin na panay na pala ang ginagawa kong pagsubo ng cake. Punong-puno na tuloy ang bibig ko at lumobo ang aking pisngi. Nagmukha tuloy akong chipmunk na rated-pg sa harap ni Jade. Rated patay gutom. "Om? Hom-kay lam ako lab."


     "Don't speak when your mouth is full." Saway nito sa'kin. "Ano'ng gusto mong inumin?"


     Napaisip ako sandali saka nilulon ang laman ng aking bibig bago sumagot. "Meron ba kayong Chuckie?" Natawa si Jade sa aking sagot na ikinakunot ko naman ng noo. "Bakit?"


     "Ang tanda-tanda mo na kasi, pero 'yon pa rin ang gusto mong inumin." Natatawa nitong saad. Dahil lang sa Chuckie, pinagtawanan na agad ako.


     Napakamot na lang ako sa batok. "Eh, paborito ko 'yon." Nakanguso kong sambit.


     "Sige, try kong maghanap sa loob ng ref kung meron. Pero 'pag wala, tubig na lang ang dadalhin ko dito ha."


     Tumango ako ng ulo. Naglakad na rin ito pabalik sa dining room nila upang kunan ako ng maiinom. Ipinasya ko ring ubusin na ang kinakain kong cake habang hinihintay si Jade na makabalik dito sa kanilang sala na pagkalawak-lawak.


     Actually, hindi lang ito ang parte ng bahay nila na malawak. Napansin ko na kanina pa na halos lahat ng makita kong bahagi, puro malalawak din pati na ang garden sa may gilid ng bahay. O mas maiging tawagin itong mansyon dahil sa aking pagkaka-tantiya, mas malawak pa ang lupang kinatitirikan nito kaysa lupang kinatitirikan ng aming City Hall.


     Ang yaman-yaman pala nila. Kahit hindi na siguro magpakapagod pa sa pagtatrabaho si Jade, hindi siya magugutom ng ilang taon.


     Kung ako lang ang nasa lugar niya, hindi ko na pagtatatrabahuhin pa si Jade.


     Ibang trabaho na lang ang ipapagawa ko sa kaniya na pareho kaming makikinabang. Sabi ng green minded kong utak.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon