II:06 Barcelona

218 12 0
                                        

Synthesis




II:06



Barcelona
Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang itinadhana
Ikaw at ako, ikaw at ako sana nga ang itinadhana


Jade's PoV


I suddenly opened my eyes nang may makapa akong something warm and furry sa kama ko habang nag-uunat. Na-realize ko rin na hindi ko pala na i-on ang mga lampshades kasi ang dilim ng kwarto ko. Tanging ang buwan at mga bituin lang sa kalangitan ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito sa loob kaya kahit papaano ay may naaaninag naman ako.


     Then I remembered the warm and furry thing sa aking kama. I went to turn on the lampshade beside me para makita kung ano ang bagay na 'yon.


     Aww . . . My heart melted.


     May puppy kasi akong katabi dito sa kama and it looks so cute habang natutulog. "Where did you came from?" Hinimas-himas ko ang ulo nito. God, sobrang soft niya. Gusto ko nga sana itong kargahin pero ayoko namang istorbohin ang pagtulog ng aso.


     So instead of doing that, bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama at tinabihan ulit ito. Bukas ko na lang aalamin kung kanino galing ang cute na cute na nilalang na ito dahil past one in the morning pa lang.


     "Sleep well, little baby." Bulong ko sa aso.


     When I woke up kinaumagahan, hinanap ko kaagad ang aso na nakitulog sa kama ko kagabi. Pero wala na ito sa aking kama.


     "Naku, nasaan na 'yon?"


     Bumangon ako at agad na lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman ang isa naming kasambahay habang pababa ako ng hagdan. "Yaya, may nakita po ba kayong puppy?"


     "Tuta po ba ma'am Jade?" Tumango ako. Itinuro nito ang garden, "nakita ko pong bitbit ni sir Paul, nasa garden po sila."


     "Ah, okay. Thank you po yaya." I said to her saka naglakad patungong garden. At doon, naabutan ko si kuya Paul na kandong-kandong ang cute na cute na puppy.


     "Good morning." Bati ko nang makalapit na ako sa kanila.


     "Oh, hi bunso. Look o, your tuta." Iprinesenta nito sa akin ang aso sa pinakamalambot niyang boses. Hay, si kuya talaga. Hinding-hindi na maitatangging miyembro siya ng third gender. But it's okay. Lalo pa at wala namang problema sina mommy at dada sa pagiging ganyan ni kuya. They still love him no matter what.



     "Kuya, sa'yo ba ang asong 'yan?"




     "Tuta, bunso." Pagco-correct nito sa sinabi ko. "Siya ay isang tuta na sobrang cute. Pero teka, akala ko ba sa'yo 'to?" Napalitan ng pagtataka ang kanina'y nakangiti niyang mukha.


     "What? No." Umiling ako. "Pero tumabi 'yan sa akin kagabi habang natutulog ako."


     "Kaya pala nakita ko itong lumabas mula sa kwarto mo habang palabas din ako ng kwarto ko. And I assumed na sa'yo 'to. Aww, kanino ka galing bebe?" Kausap nito sa puppy.


     "Well kung wala siyang may-ari, sa atin na lang siya." Sabi ko saka umupo sa tabi ni kuya. Hinimas-himas ko rin ang sobrang lambot na balahibo ng aso, na hanggang ngayon ay kandong pa rin ni kuya.


     Ang cute talaga ng puppy na 'to. Parang may kamukha rin siya habang tinititigan ko ito ng matagal.


     Oh! This puppy looks like Althea. Magkapareho ang kulay ng kanilang mga mata. And her skintone is a little bit dark just like the puppy's fur.


     Shit! Ba't ko ba ikinumpara ang mukha ng puppy kay Althea? Nananahimik 'yong tao eh.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon