Synthesis
I:05
Country Tree
Who knows which way to go
Who says the end is near and proves we can't be sure of anything
Death and life
Day and night
Hate and love is all we're trying to find (we're trying to find)
Hate and love is all we're trying to find (we're trying to find)Althea's PoV
Masama ang pakiramdam ko pagkagising ko kaninang umaga kaya nagpasya akong lumiban na lang muna sa klase buong araw. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nanakit ang aking katawan pag-uwi ko kahapon galing sa university.
Hindi naman ako nabasa ng ulan dahil hindi umulan kahapon. At saka kahit umulan pa, hindi talaga ako mababasa dahil may kotse naman akong dala 'pag pumupunta ng school kaya walang dahilan para sumakit ang aking katawan. Ang huli ko lang na ginawa bago ko ito naramdaman ay kinausap ko si Jade ngunit binasted na naman ako nito. Nakapagtataka. Imbes kasi na pananakit ng puso at damdamin ang aking dapat na madama eh bakit sakit ng buong katawan?
"Cha?" Mga katok mula sa labas ng pinto ng aking kwarto ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Ma, pasok po."
Bumukas ang pintuan at iniluwa no'n si mama na may bitbit na tray na puno ng pagkain. "Kamusta na ang iyong pakiramdam anak?"
Napabuntung-hininga ako at tumingin sa labas ng bintana. "Heto, masakit pa rin ang puso." Ma-drama kong saad.
Narinig ko itong tumawa kaya tumingin ako sa kaniya. "Haynaku Althea, ikaw talagang bata ka. Ba't mo ba kasi pinipilit ang taong ayaw sa'yo? Maghanap ka na lang kaya ng iba? Lagi ka tuloy nababasted." Ngumisi ito pagkatapos ng mga sinabi.
"Ma naman eh." Umupo ako ng bahagya mula sa pagkakahiga sa aking kama. "Ano ba'ng meron diyan?" Nguso ko sa tray na nakalapag sa study table ko.
"Aba siyempre pagkain. Ano pa ba sa tingin mo?" Pamimilosopo nito sa'kin.
Napansin ko naman ang pagpigil nitong tawanan ako pero hinayaan ko na siya. "Ang saya mo ngayon ah," sabi ko na lang. "Luma-lovelife ka na rin ba ma?"
Akala ko tatalikod na ito upang kunin ang tray. Ngunit nagulat ako nang biglang may dumapong unan sa aking mukha. "Ikaw ha, 'wag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo."
Napangiwi ako. "Ano ba ma? Kitang masakit na 'yong katawan ko eh."
"Tse! Tumigil ka na sa pagsesenti. 'Di porket nabasted ka eh pwede ka nang um-absent. Hala, bumangon ka diyan at pumunta ka ng school." Hinila nito mula sa akin ang kumot na nakabalot sa aking katawan. "Parang hindi ka naman sanay mabasted."
Ouch!
"Ma, nakakasakit ka na ng damdamin ha. Nanay ba talaga kita? Anak mo ba talaga ako?" Sabi ko habang tumatayo na mula sa kama at nag-inat ng aking mga braso at binti. Paglingon ko, hindi ko inaasahan ang muli niyang pagbato ng unan na saktong tumama na naman sa aking mukha.
"Jade," lumingon sa akin si Jade nang tawagin ko siya. Nakita ko kasi itong naglalakad patungo dito sa parking lot habang nakaupo ako sa loob ng aking sasakyan kaya nilapitan ko ito.
"Ms. Guevarra," sambit nito habang patuloy na inaayos ang mga school supplies niya sa likod ng kaniyang kotse. Muntik pa akong ma-distract dahil bahagyang nakayuko ito kaya natuon ang mga titig ko sa puwet niyang natatabunan ng skirt. "Eyes up here."
Nagulat ako nang pinitik niya ako sa noo. Ngumisi naman agad ako para mapagtakpan ang ginawa ko.
"Love, pwede ba kitang yayaing lumabas?" Sumandal ako sa kotse niya saka namulsa. Nakatitig din ako sa maganda niyang mukha habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"No." Napansin kong nagpakawala ito ng marahas na hininga. "And please Althea, tigilan mo na ako." Nanggigigil nitong dagdag na ikinataas ng mga kilay ko. Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse niya at pumasok. "Umuwi ka na lang."
"Teka!" Mabilis kong napigilan ang pagsasara nito ng pinto.
"Althea ano ba?!" Tinulak niya ako ngunit hindi ako nagpatinag. Sa inis ko rin ay naitulak ko ito kaya napahiga siya sa upuan. Mabilis ko siyang dinaganan at sinunggaban ng halik.
Umungol ito habang patuloy akong tinutulak palayo ngunit hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko ang mga kamay niya at ginalaw ang labi ko. Sinubukan ko ring ipasok ang dila ko sa loob ng kaniyang bibig ngunit kinagat niya ako doon kaya lumayo ako ng bahagya.
"Aagh!" Napahiyaw rin ako matapos akong sampalin ni Jade. Naiinis na hinimas ko ang aking pisnging nasaktan.
"Huwag mo akong piliting kamuhian ka Althea." Galit niyang sabi. May mga luha na ring nakadungaw sa mga mata nito habang nakatingin sa akin ng matalim. Tapos ay sinara na niya ang pinto ng kotse at mabilis na umalis.
Naiwan naman ako dito sa parking lot na nagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko si Jade. Sising-sisi ako dahil kung hindi pa niya ako pinigilan ay baka mas malala pa doon ang nagawa ko.
Nagi-guilty akong naglakad pabalik sa aking kotse. Nanatili rin ako sa loob nito ng ilang minuto at umiyak na parang bata. Nang mahimasmasan ay ipinasya kong umuwi na lang.
----------------------------------------
Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍
BINABASA MO ANG
Synthesis
RomancesinTHəsəs ---------------------------------------- Not for homophobes. I'm bringing my sinking ship back to the shore. GxG/Babae sa Babae/✂️✌🏻😎 Bawal judgmental kaya kung may problema ka sa same-sex relationship, suggest ko lang na huwag mo na ito...