II:05 Barcelona

216 9 0
                                    

Synthesis




II:05



Barcelona
Naging madamot ang kahapon
Kaya bumabawi ang ngayon
May lumbay ang nood
Kaya't may kulay ang ngayon
Walang takot na binigay
Sa maaaring lumbay
Ang nararamdamang tunay
Sa tanging kaugnay.


Althea's PoV


Pumasok agad ako sa loob ng bahay nang bumukas ang pinto no'n at niyakap si tita Felicia na matagal-tagal ko nang hindi nakikita.


     "Tita, na-miss ko po kayo." Sambit ko. Kahapon ko pa nalaman na nakauwi na sila galing Amerika ngunit hindi ako nakasama sa pagsundo sa kanila sa airport. Bunsong kapatid ni papa si tita at nag-iisang babae sa apat na magkakapatid ng pamilya Guevarra. Dalawa na lang din sila ni tito Fidel ang naiwan dahil ang isa pa nilang kuya ay matagal na ring namayapa, ang panganay na si tito Ferdinand na junior ni lolo.


     "Buti naman at dinalaw mo kaagad kami. Sobrang na-miss din kita pamangkin ko." Tugon nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.


     Tapos ay hinanap ko rin ang aking mga nakababatang pinsan. "Sila Cass at Cookie po, nasaan?" Tanong ko sa nasasabik na boses. Miss na miss ko na kasi ang dalawang 'yon.


     "Nasa likod. Inutusan ko ngang matulog pero ayun, parang wala lang silang narinig." Nakangusong sagot niya sa akin na ikinatawa ko.


     "Hayaan niyo po, akong bahala." Nakangiti kong saad saka nagmamadaling pinuntahan ang dalawa kong pinsan. Naabutan ko silang dalawa na naghahabulan kasama ang isang dambuhala at mabalahibong aso. Tapos may mga kasunod itong apat na maliliit at sobrang cute na mga tuta.


     "Ate Cha!" Sigaw ni Cookie nang makita niya ako. Bunsong anak siya ni tita at pinakabunso sa aming lahat na magpipinsan sa side ni papa.


     "Hi sa inyo." Nagsitakbuhan silang dalawa palapit sa akin at agad ko silang niyakap. "Na-miss ko kayong dalawa."


     "Kami rin ate Cha." Sabi ni Cassie. Halata ngang na-miss niya ako dahil ang higpit ng pagkakayakap nito sa akin.


     Iginiya ko sila paupo sa upuang gawa sa kahoy at may gulong ng kalesa sa magkabilang side. "Kamusta na kayo? Ang laki mo na Cassie ah, may boyfriend ka na ba?"


     "Ate!" Ngumuso ito dahil sa sinabi ko.


     "O bakit, wala pa ba? Ang ganda mo kaya. 'Di ka na rin uhugin."


     Tumawa si Cookie sa ginawa kong panunukso sa ate niya. "Si ate uhugin!"


     Binalingan ko naman ito ng tingin na tawang-tawa pa rin. "Eh ikaw? Siguro meron ka na ring boyfriend ano?" Niyakap ko ito at kiniliti. Humagalpak tuloy ito sa ginawa ko kasabay si Cassie na nakatayo sa aming harapan.


     Ngunit naputol ang pakikipagkulitan ko sa kanila nang marinig naming tumahol ang malaking aso na ina ng mga tutang nagtatakbuhan kanina.


     "Choco, anong problema?" Agad na nilapitan ni Cass ang alaga nila at hinimas ang ulo. Pero imbes na kumalma ang aso, lalo lamang itong tumahol nang tumahol. Tiningnan ko naman ang mga tuta at napansin kong parang kumonti yata sila. Parang may kulang eh. Ah, alam ko na.


     "Cassie, nawawala yata ang isa niyang anak."


     "Oh no!" Hiyaw ni Cookie nang marinig ang sinabi ko. Tumakbo siya palapit sa aso at hinimas-himas din ang ulo ng alaga.


     "Teka, doon yata lumabas ang tuta." Tinuro ko ang bahagi ng kahoy na bakod kung saan may natanggal na isang piraso. Sure akong doon nga dumaan ang isang tuta at nakalabas na ng kalsada. "Diyan lang muna kayo, hahanapin ko 'yong anak ni Choco." Tumayo ako at mabilis na lumabas ng bahay.


     "Tita, hahanapin ko lang sa labas 'yong isang tuta." Paalam ko kay tita nang madaanan ko siya sa sala.


     "Ha? May nakalabas na naman?" Napatayo ito bigla.


     "Ako na pong bahalang maghanap." Pigil ko sa kaniya nang akmang lalabas din ito ng bahay. "Sige po." Mabilis na akong lumabas para hindi na siya maka-angal.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon