Synthesis
III:01
Waiting Shed
Uwian na kasabay ng ulan
May bagyo
Asan ka na ba?
Bakit wala ka pa, sinta?
Kailangan kita noon pa man
Sa dilim at sa liwanagJade's PoV
Pauwi na ako galing sa university nang maisipan kong bumili ng cake para sa panghimagas naming pamilya after ng dinner mamaya. Hindi kasi ako sinundo ni David sa university dahil may pupuntahan daw siyang importante. Ngunit habang naglalakad na ako patungong elevator upang bumaba mula sa third floor ng mall kung saan naroon ang cake store na binilhan ko, hindi inaasahang may nahagip ang aking mga mata.
How could you do this to me? Tanong ko sa isip habang pinagmamasdan ang dalawang taong masayang nakaupo sa loob ng restaurant na nadaanan ko at nagsusubuan pa ng kinakain nila.
Nilapitan ko ang mga ito.
"Jade!" Gulat na sambit ni David nang makita akong papalapit sa kanilang mesa.
"Bakit?" Iyon lang ang tanging salitang nasambit ko habang matalim siyang tinititigan.
Ngunit tila natuod si David sa inuupuan nito habang nakatingala sa akin at parang hindi alam kung anong sasabihin.
"Sweetheart, sino siya?" Tanong ng kasama nitong babae makaraan ang ilang segundo. Tumayo pa ito saka nameywang habang nakatingin sa akin ng nakakunot-noo. Lalo ring nadagdagan ang sakit na idinulot ni David nang bumaba ang paningin ko sa tiyan ng babae nito.
"Jade, let me explain." Sa wakas ay nagawa rin nitong magsalita.
"No need." Umiiling kong tanggi. "Para ano pa? Sapat na ang nasaksihan ko para malamang niloloko mo lang pala ako all this time." Tumalikod na ako upang umalis ngunit hinawakan niya ako sa braso.
Galit na galit kong inalis ang kamay niya nang muli ko siyang harapin. "Let me go." Utos ko sa mahinang boses. Ngunit may diin ang bawat katagang binitawan ko.
"Jade, mag-usap tayo please. Let me expla-,"
Hindi na niya nagawang tapusin pa ang sasabihin. Dumapo na kasi ang kanang palad ko sa pisngi nito dahilan para matigilan siya sa pagsasalita.
"Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo David!" Hindi ko na naiwasang mapasigaw sa sobrang inis at galit ko. "Just leave me alone." I stated with finality.
"No Jade!" Pakiusap nito saka muli akong hinablot sa braso. Nagpumiglas ako para makawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya ako binitawan.
"Sweetheart, hayaan mo na lang siya!" Pumagitna na sa amin ang kasama nitong babae at hinawakan sa kamay si David upang tanggalin din ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko.
"Bitawan mo ako sabi!" Muli kong sigaw. Napansin kong nagsisimula nang mamula ang aking braso kaya muli aking nagpumiglas. Dahil doon ay nabitawan nga niya ako. Ngunit na-realize kong maa-out balance pala ako at wala akong maaaring makapitan para hindi masubsob sa sahig. Pikit-mata ko na lang na hinintay ang mangyayari sa akin pero hindi iyon natuloy.
May sumalo kasi sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata upang tingnan kung sino ito.
"Okay ka lang ba Jade?" Nag-aalala ang mukhang tanong nito sa akin.

BINABASA MO ANG
Synthesis
RomancesinTHəsəs ---------------------------------------- Not for homophobes. I'm bringing my sinking ship back to the shore. GxG/Babae sa Babae/✂️✌🏻😎 Bawal judgmental kaya kung may problema ka sa same-sex relationship, suggest ko lang na huwag mo na ito...