Synthesis
I:04
Country Tree
Hold your head up high
Listen to your voice
Rising through the noise
It's been too long since we've locked ourselves in here
Step out of that fear and play againJade's PoV
Sinundan ko ng tingin si Althea na naglalakad patungo sa parking lot ng university. Napansin ko rin ang mabilis nitong pagpasok sa kotse niya at pinaharurot iyon palabas sa gate ng campus. Naipanalangin ko tuloy na sana huwag itong mapano. Napakabilis kasi ng pagpapatakbo niya sa kaniyang kotse at muntik na niyang mahagip ang harang ng gate na itinataas pa lang ng guard.
"Hon, okay ka lang?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni David sa aking tabi. Hindi pa rin kasi kami umaalis dito sa pinaghintuan niya upang sunduin ako.
"Um, yes hon." May sasabihin pa sana ito ngunit inaya ko siyang umalis na. "Tara na?"
Kinaumagahan, gumising ako ng mas maaga kaysa nakasanayan kong oras. Gusto ko kasing maunahan sa pagdating si Althea sa school upang hindi niya ako makita. Nagdala na rin ako ng sariling kotse dahil hindi ako maihahatid ni David ngayong araw. Umalis kasi ito papuntang Pampanga kagabi that's why lumabas kami last night to have a dinner date.
Dito rin ako nag-park sa bahagi ng parking lot na nasa harap lang ng entrance ng building na kinaroroonan ng aming faculty room. Kaunti pa lang ang mga kotseng nandito kaya agad akong nakahanap ng empty space. Hindi pa kasi nakakarating ang iba kong mga co-teachers since it's only seven in the morning. Masyadong maaga pa.
Tahimik akong naglakad sa hallway patungo sa faculty room namin bago tumungo sa classroom kung saan ako magle-lecture mamaya. Mayroon lang kasi akong kukunin na ilang books na iniwanan ko roon yesterday.
"Good morning, Ms. Tanchingco."
Agad akong binati ng isa sa mga co-teacher ko pagkakita niya sa akin na pumasok. Umiinom ito ng kape habang nakaupo sa mesa kaharap ang laptop niyang nakapatong doon.
"Good morning din sa'yo Mrs. Lizares." Lumapit ako sa mesang pinag-iwanan ko ng mga books kahapon upang muling kunin ang mga 'yon. "Ang aga natin ngayon ah?" Puna ko. Hindi naman kasi siya dumarating dito ng ganito kaaga kaya nakakapanibago.
"Sumabay kasi ako kay mister. Eh maaga siyang umalis ng bahay kaya heto ako. Eh ikaw, ang aga mo rin yata?"
Napaisip ako kung anong isasagot sa tanong niya. Hindi ko naman kasi pwedeng basta na lang sabihin na maaga akong umalis ng bahay dahil may iniiwasan akong makulit na manliligaw. At ang makulit na manliligaw na iyon ay isang estudyante na ayaw kong makasalubong dito sa school.
"Napaaga kasi ang gising ko kanina." Kibit-balikat kong sagot. Nakiupo rin muna ako sa tapat niya upang saglit na makipag-kwentuhan dito.
Pero makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na akong mauuna na. Medyo may kalayuan pa kasi ang classroom ng unang section na pagle-lecturan ko ngayong araw.
Pagpasok ko sa room, agad na natahimik ang lahat ng nasa loob at umayos ng upo ang iba. Magsasalita na rin sana ako upang simulan ang klase ngunit hindi iyon natuloy. Pumasok kasi ang grupo nina Althea, ang mga estudyante kong palaging late. Ngunit napansin kong hindi nila ito kasama kaya napakunot-noo.
"Ms. Luna, where's Ms. Guevarra?" I asked.
"Miss, hindi po namin alam eh." Maikling sagot nito saka naupo na sa tabi ng kaniyang mga kaibigan.
Nanatili naman akong nakakunot ang noo habang pine-prepare sa table ang ile-lecture ko sa kanila for today. Nagtaka kasi ako kung bakit bigla akong nakaramdam ng pag-aalala para kay Althea kahit hindi naman dapat. Pero kalaunan ay ipinagwalang-bahala ko na lang ito. Ipinagpalagay ko na lang na ang nararamdaman ko ay dahil sa alalahaning baka hindi siya makapasa sa subject na 'to.
----------------------------------------
Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍
![](https://img.wattpad.com/cover/242123674-288-k26561.jpg)
BINABASA MO ANG
Synthesis
RomancesinTHəsəs ---------------------------------------- Not for homophobes. I'm bringing my sinking ship back to the shore. GxG/Babae sa Babae/✂️✌🏻😎 Bawal judgmental kaya kung may problema ka sa same-sex relationship, suggest ko lang na huwag mo na ito...